Vico Sotto pinag-iisipan na ba pagtakbong presidente sa 2034?
Eleksyon 2025 - May 15, 2025 - 12:35 AM
MARAMING supporters ang reelected mayor ng Pasig City sa katatapos lang na 2025 midterm elections na si Vico Sotto ang nagma-manifest na sa pagtakbo nitong presidente.
Bukod sa host at content creator na si Ogie Diaz, ilang celebrities pa ang nagsasabi na talagang susuportahan nila ang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes kapag kumandidato itong pangulo ng Pilipinas sa 2034.
Sabi pa nga ni Ogie sa kanyang Facebook post patungkol kay Vico, “My future President!” with matching hashtag pa na #2034 at #manifesting.
Pero ang tanong – tumakbo nga kayang pangulo ng bansa ang alkalde ng Pasig sa 2034 Presidential Elections? This early na ay pinag-iisipan na ba ito ng binata?
Sa ikatlo at huling termino ni Vico bilang mayor ng Pasig City ay natanong nga siya kung may plano na ba siyang paghandaan ang pagtakbo sa isang national post para sa susunod na eleksyon.
“I always appreciate it when people say nice things about me, sino ba naman ang hindi makaka-appreciate sa mga sinasabing maganda tungkol sa ‘yo.
“But I think number one, we have to focus on where we are right now,” ang pahayag ni Vico sa panayam ng INQToday.
Dagdag pa niya, “I don’t even mean position wise, politics wise, just a rule of thumb and guiding principle in life, kung nasaan ka ngayon, do your best.”
“Where ever you are, do what you have to do. Mahirap tumingin ng masyadong malayo eh,” dagdag pa niya.
Matatandaan namang sa isang campaign rally ng “Giting ng Pasig” last March 28, ay ipinakilala ni Bossing Vic ang anak bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.
Aniya, “Mabuhay kayo, mga Pasigueño. I’m very proud of you. Ito na po, ipapakilala ko na po. Alam n’yo naman siguro kung kanino nagmana. Kanino pa? E ‘di sa nanay (Connie Reyes).
“Ito na po, ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto!” hirit pa ni Vic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.