Pope Leo XIV ibinandera ang Instagram account: ‘Peace be with you all!’

Pope Leo XIV
IBINANDERA ng bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV sa buong mundo na meron na rin siyang Instagram account.
Sa mga hindi pa aware, hindi pa man nahihirang na maging Santo Papa ay kilala na si Pope Leo XIV sa pagiging active social media user.
Kung hindi kami nagkakamali, si Pope Leo XIV ang nag-iisang Santo Papa na may socmed history sa loob ng 14 years kunh saan malaya niyang ipinahahayag ang kanyang saloobin sa iba’t ibang isyu ng lipunan.
Kabilang na sa mga usapin na tinatalakay niya sa kanyang mga socmed post ay ang mga isyu ng racism, sexual abuse ng mga kaparian, COVID-19 at giyera ng Ukraine at Russia.
Pero sa pagkakatanda namin ay si Pope Benedict XVI ang unang Santo Papang gumamit ng social media platform na X taong 2012.
Makikita sa official Instagram ni Pope Leo XIV, na may username na “pontifex,” ang una niyang post kung saan masaya niyang binati ang publiko.
View this post on Instagram
Ibinahagi niya ang mga litrato niya mula sa pagkakapili sa kanya bilang bagong leader ng Simbahang Katolika.
“Peace be with you all! This is the first greeting spoken by the Risen Christ, the Good Shepherd.
“I would like this greeting of peace to resound in your hearts, in your families, and among all people, wherever they may be, in every nation and throughout the world,” ang caption ng Santo Papa sa kanyang IG post.
Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay may mahigit 6 million followers na agad ang Santo Papa sa IG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.