Ruffa pinakilig ang netizens sa b-day greeting kay Herbert: Sweet yarn!

Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez
MARAMING kinilig at napa-sana all sa short but sweet birthday greeting ni Ruffa Gutierrez para sa kanyang boyfriend na si Herbert Bautista.
Idinaan ng aktres at TV host sa kanyang TikTok account ang pagbati kay Bistek nitong nagdaang Martes, May 13, kalakip ang mga litrato nila together sa iba’t ibang okasyon.
Pinagsama-sama ni Ruffa ang pictures nila ng dating mayor ng Quezon City sa isang video. Last May 12 ipinagdiwang ni Herbert ang kanyang 57th birthday.
In fairness, kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Ruffa sa social media ng sweet moments nila ng aktor, kabilang na riyan ang date nila sa isang restaurant at ang panonood nila ng NBA game na magkasama.
Sey ni Ruffa sa caption, “One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media.
“Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA!”
View this post on Instagram
Bumaha naman ng mensahe ng pagbati para kay Bistek ang comments section ng TikTok post ng aktres at halos lahat ay nagsabing kinilig sila sa pagpe-“flex” niya kay Herbert sa social media.
Narito ang ilang reaksyon ng mga nakapanood sa TikTok entry ni Ruffa.
“Ay Sila na Pala ni Herbert baustista ..matagal na ba Sila? Hindi na Ako nakakapanood ng tv mga showbiz chika minutes at mga showbiz talk shows.”
“You will really find the true love to the unexpected person.”
“I’m so happy for you, Ms. Ruffa. Finally you met your man.”
“Mahirap turuan ang puso, madalas kung sino pa yung ayaw ng iba for you siya talaga yung sinisigaw ng puso mo. Maikli lang ang buhay choose to be happy always, Ms, Ruffa.”
“Na kay Herbert lang pala talaga ang susi sa puso ni Ruffa.”
“Iba ang happiness nila. Kapag tunay na pag-ibig nga naman, kahit matangkad at maliit e pinagtatagpo.”
Matatandaang unang ni-reveal ni Ruffa ang tungkol sa relasyon nila ni Herbert sa YouTube vlog ni Karen Davila. Sey ng aktres, hindi naman daw nila itinatago ni Bistek ang kanilang relasyon.
“I think now, it’s just better that a quiet personal life leads to more happiness.
“You know, it’s not there to front, ‘Hey, baby, good morning. I love you’ on Instagram. Like, how cringe, di ba? Parang ano, you can flex slightly,” aniya.
Nabanggit din niya na nagsimula ang kanilang love story nang magkasama sa seryeng “The House Arrest of Us” na pinagbidahan ng ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.