Leni gumawa ng kasaysayan bilang 1st female mayor ng Naga

Leni Robredo gumawa ng kasaysayan bilang unang babaeng mayor ng Naga

Ervin Santiago |
Eleksyon 2025 -
May 13, 2025 - 03:51 PM

Leni Robredo gumawa ng kasaysayan bilang unang babaeng mayor ng Naga

Kiko Pangilinan, Leni Robredo at Bam Aquino

BUHAY na buhay pa rin daw ang “pink movement” sa pagkapanalo ni dating Vice President Leni Robredo bilang bagong Mayor ng Naga City.

Gumawa rin ng kasaysayan ang dating bise presidente bilang kauna-unahang babaeng naluklok na alkalde sa naturang probinsya.

Ipinroklamang mayor ng Naga City si Robredo ng Comelec dakong alas-10 ng umaga ngayong araw sa Sangguniang Panlungsod, kasama ang tatlo niyang mga anak.

Ang kanyang running mate na si former Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., ay nagwagi ring vice mayor.

Tuwang-tuwa rin si Robredo dahil nasa rank 2 pa rin ng senatorial race ang kaalyado niyang si Bam Aquino habang nasa rank 5 naman si Kiko Pangilinan.

Nangunguna rin sa bakbakan ng party-list ang sinusuportahan ni Robredo na Akbayan na may mahigit 2 milyong boto at may isa na ring siguradong puwesto sa Kongreso ang Mamamayang Liberal Party-list na may mahigit 400,000 boto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leni Robredo (@atty.lenirobredo)


Si Atty. Chel Diokno ang first nominee ng Akbayan habang si dating Senador Leila de Lima naman ang first nominee ng ML Party-list, na pareho ring malapit kay Robredo.

Sa isang panayam, natanong ang dating vice president kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing hindi pa rin nawawala ang “pink movement” na nagsimula noong kumandidato siyang pangulo sa 2022 elections.

“Masaya lang ako na hindi nawala ng pag-asa yung mga tao after the defeat noong 2022,” sagot ni Robredo.

Patuloy pa niya, “Ang gusto kong sabihin na kahit ganoon yung results ng 2022, yung pag-asa nasa puso pa din ng base. Handang-handa pa ring lumaban at tumulong.

“And yung wish natin na sana in the coming years ganun pa din. Malaking bagay din na patuloy na lumalaban,” aniya pa.

At ngayong mayor na siya ng Naga City, “I will be giving more attention dito sa local pero hindi ko naman pinabayaan yung role ko sa national.

“Siguro mas backseat lang, mas tumutulong from the sidelines. Pero nandiyan na si Senator Bam, Senator Kiko, nandiyan Senator Risa (Hontiveros). At si Dean Chel Diokno at Sen. Leila de Lima magiging member na rin ng Congress,” sabi ni Robredo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So marami na tayong allies na alam nating ipaglalaban yung matagal na nating ipinaglaban,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending