John Arcilla sa bukbuking mesa sa classroom: Asan ang budget?

John Arcilla pinuna bukbuking mesa sa classroom: Tapos boboto ng corrupt

Ervin Santiago |
Eleksyon 2025 -
May 12, 2025 - 06:56 PM

John Arcilla pinuna bukbuking mesa sa classroom: Tapos boboto ng corrupt

John Arcilla

BINOLDYAK ng award-winning actor na si John Arcilla ang mga taong nakaupo sa gobyerno matapos bumoto ngayong araw para sa 2025 midterm elections.

Napansin kasi ni John ang kundisyon ng napuntahang classroom na nagsilbing waiting area para sa mga botante.

Sa kanyang Facebook page, nag-share si John ng mga litrato kung saan ipinakita niya ang sira at bukbuking lamesa na matatakpuan sa loob ng nasabing classroom.

Ang mababasa sa inilagay niyang caption, “Nandito ako sa loob ng isang classroom na ginawang WAITING ROOM sa MAHABANG PILA para bumoto at ganito ang lamesa ng mga estudiyante sa loob ng classroom.

“Asan ang budget sa EDUKASYON?” ang bahagi ng kanyang patutsada sa mga opisyal ng gobyerno.


Pagpapatuloy pa niya, “Tapos boboto tayo ng mga corrupt eh nakaharap mismo satin ang EBIDENSIYA NG MGA MALI NATING PAGPILI?

“Ano na mga kababayan? AYUSIN NAMAN NATIN ANG PAGBOTO KAHIT LAST MINUTE,” ang hugot pa ng aktor.

Sandamakmak naman ang nag-react sa post ng premyadong aktor. Narito ang ilan sa nabasa namin.

“Nasa mga ayuda napunta ang pondo.”

“Sir, your on point. Nakaka disappoint talaga. Tapos 18.4M aged 10 to 64 functional illiterate. Ayaw nila ng matalinong botante.”

“Nagsisimula yan sa Barangay Officers na hinahayaan din ang public schools papuntabsa Mayor… at Gobernador ng probinsya na lahat sila ay mayroon naman pondo upang maipaayos ang eskwelahan.”

“Dyan yan sa lugar niyo dito samin ok naman mga chairs, yung may problem dyan is local saan napupunta yung binibigay sakanila?”

“Di ba nahihiya mga current officials dyan pgboto nla today gnyan ang sitwasyon ng baramgay school nla….smantala sila panay pasok sa bulsa,..kakapal nman oi.”

“Makakatulong ang mga TV networks sa  hindi paggawa ng teleserye na lalabas ang mga artistang tatakbo sa politica.”

“Nakakalungkot kung simpleng mesa ni hndi naaus man lng, samantalang xla my mga luxury bags at mamahaling relo.”

“Yung iba po sir gawa tlg ng mga students sinisira nila …s amin sir binabalibag, inuupuan (lamesa).”

“Tila likas na talaga kay John ang pagiging kritiko sa ilang mga isyung pampolitika.”

Isa si John sa mga celebrity na lantaran ang pagbatikos sa mga government officials na wala naman aniyang nagagawa para mapabuti ang kalagayan ng mga Filipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasabi rin niya sa isang interview na mas gusto niyang punahin ang mga nasa posisyon kesa sumabak sa mundo ng politika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending