Poll watchers na nagshe-‘shade’ sa balota sinibak, kakasuhan

Garcia: Poll watchers na nahuling nagshe-‘shade’ sa balota sinibak, kakasuhan

Pauline del Rosario |
Eleksyon 2025 -
May 12, 2025 - 05:42 PM

Garcia: Poll watchers na nahuling nagshe-‘shade’ sa balota sinibak, kakasuhan

PHOTO: Screengrab from Facebook

TINANGGAL na, kakasuhan pa.

‘Yan daw ang mangyayari sa mga poll watchers na nahuling nagshe-shade sa balota para sa mga botanteng bumoboto ngayong halalan.

Nag-viral kasi sa social media ang video na makikita ang dalawang election watchers na nagshe-shade umano sa balota ng mga botante.

Sa Facebook post ni Joy Bernos, maririnig ang boses ng isang babae na ang sabi ay “I would like to report that we are having the votes be shaded by the watchers and ballot secrecy voters are not being used.”

Baka Bet Mo: 80 na hinihinalang ‘flying voters’ arestado sa Maguindanao del Sur

Base sa video, mapapansin na may kodigo ang ilang watchers para sa kanilang shine-shade.

Nang hingan ng reaksyon si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia kaugnay sa viral video, ang sabi niya: “The two election watchers were fired and cases will be filed against them.”

Sa isang ambush interview, ipinaliwanag naman ng poll body chairman na, “Wala pong karapatan, wala pong kapangyarihan, at hindi po awtorisado ang mga watcher na maging assistor ng isang precinct.”

“Ang pwede lang po mag-assist kung walang kasama ‘yung mismong nakatatanda, ‘yung mismong may kapansanan, o kaya naman ‘yung mismong illiterate ay ang electoral board members lamang,” dagdag pa.

Sinabi pa ni Garcia na ang iregularidad sa pagboto ay isa ring election offense.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung pag re-represent na pwe-pwede ka o authorize ka na mag-shade ng balota, ‘yan po ay bawal. Therefore, one to six years imprisonment po ‘yan,” ani pa niya.

As of this writing, ang viral video ay umaabot na sa mahigit 23 million views.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending