Cristine walang takot na nagpakita ng boobs; bukol, pwet ni Gabby nag-hello


Grabe! As in grabe pala talaga ang mga maiinit sex scenes nina Cristine Reyes at Gabby Concepcion sa pelikulang “When The Love Is Gone” ng Viva Films na idinirek ni Andoy Ranay!

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang movie sa special screening na ibinigay ng Viva sa press sa Gateway Platinum cinema, at sure na sure kami na may bago na namang pag-uusapan ang mga manonood once na mag-showing na ito sa mga sinehan nationwide sa darating na Miyerkules (Nov. 27).

Ito na yata ang pinaka-bold na pelikulang nagawa ni Cristine, walang sinabi ang maiinit nilang eksena ni Derek Ramsay sa “No Other Woman” sa mga ginawa nila ni Gabby sa “When The Love Is Gone” bilang lovers – tuluy-tuloy ‘yun, walang pahinga, walang hiya-hiya, hubad kung hubad!

Sa bathtub scene ni Cristine, tiyak na magpipiyesta ang mga kalalakihan at katomboyan dahil talagang ibinuyangyang ng sisteraka ni Ara Mina ang kanyang boobs, mabilisan nga lang ito kaya dapat nakatutok talaga ang mga n’yo.

Bukod nga diyan, masa-shock din kayo sa churvahan nina Cristine at Gabby sa gubat, sa kama, sa bintana at sa ilalim ng swimming pool.

Para naman sa mga beki at sa mga girls na nagpapantasya pa rin kay Gabby, wag kayong mabahala dahil he has his own share of “kahalayan”.

Ha-hahaha! Wala siyang takot na nag-underwear sa swimming pool scene nila ni Cristine, as in talagang bukol na bukol ang pagkalalaki ng ex-husband ni Sharon Cuneta sa eksenang ‘yun!

But of course, more than the hubaran, hindi mapapahiya ang pelikula kung magandang kuwento at super acting ang hinahanap n’yo.

Ngayon, favorite na naman si direk Andoy dahil mula simula hanggang ending ng movie ay mahu-hook ka dahil napakabilis ng pacing at wala kang itatapong eksena.

For the record, masasabi naming ang “When The Love Is Gone” na ang pwedeng tanghaling best drama movie of 2013 kahit na sinasabing another “kabit” o “mistress” movie na naman ito.

Magagaling lahat ng artista, mula kina Cristine bilang kabit ni Gabby at Alice Dixson as the “legal wife” hanggang kina Andi Eigenmann na gumaganap na anak nina Dikya at Gabo, pati na rin ang nag-special appearance na sina Pilar Pilapil at Dina Bonnevie.

At siyempre, ang kakaibang pagganap ni Jake Cuenca bilang baklang asawa ni Cristine! In fairness, agaw-eksena lagi si Jake sa kanyang mga eksena kaya hindi kami magtataka kung ma-nominate siya rito sa susunod na awards season.

Hindi nakakahiyang irekomenda sa publiko ang “When The Love Is Gone” dahil sure kaming sulit na sulit ang perang ibabayad n’yo sa mga sinehan.

Nga pala, masa-shock kayo sa ending ng movie, grabe ang twist nito sa huli na talagang ikawiwindang n’yo!

Read more...