Jonathan Manalo ipinagtanggol ang BINI: No one is perfect

Jonathan Manalo ipinagtanggol ang BINI: No one is perfect

Therese Arceo - May 12, 2025 - 05:07 PM

Jonathan Manalo ipinagtanggol ang BINI: No one is perfect

NAGLABAS ng pahayag ang music creative director na si Jonathan Manalo hinggil sa kinasangkutang kontrobersya kamakailan ng nation’s P-pop girl group na BINI.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng songwriter at record producer ang kanyang sentimento hinggil sa natatanggap na bashing ng girl group kasama ng mga kaibigang sina Ethan David at Shawn Castro.

“Just like all of us, no one is perfect. Living life in front of an audience is incredibly difficult. There’s often no room for mistakes—but being faultless is humanly impossible,” panimula ni Jonathan.

Sana raw ay huwag maging mabilis ang mga tao sa panghuhusga sa pagkakamali ng iba.

Baka Bet Mo: Duterte binanatan ni Jonathan Manalo sa paggamit kay Ninoy: Objection po!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“So let’s not be quick to criticize or condemn. Remember that who we are is often shaped by our missteps. Don’t judge anyone based on a single episode of their life. At some point, we’ve all found ourselves in low places too. So please, be more compassionate,” pagpapatuloy pa ni Jonathan.

Aniya, ang tunay na mahalaga ay kung paano mapagbubuti ng isang tao ang sarili sa kabila ng mga pagsubok na naranasan.

Sey ni Jonathan, “That journey—of falling, learning, and rising—is what makes someone a real role model.

“I’ve seen the kindness and genuine character of the BINI girls with my own eyes. They’re the real deal—and I’ll always be cheering them on with all my heart.”

Matatandaang kamakailan lang nang masangkot ang BINI sa isang kontrobersiya kasama ang GAT member na si Ethan David at social media personality na si Shawn Castro dahil sa nag-viral na sensitibong video sa X (dating Twitter).

Inako naman ng mga sangkot sa isyu ang kanilang pagkakamali at nag-sorry sa mga taong naapektuhan sa mga pangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending