Khalil Ramos nadiinan ang pag-shade ng balota, nagpaalala

Khalil nadiinan ang pag-shade ng balota: Don’t make the same mistake

Therese Arceo - May 12, 2025 - 03:57 PM

Khalil nadiinan ang pag-shade ng balota: Don't make the same mistake

NAGPAALALA ang aktor na si Khalil Ramos sa kapwa botante na maging maingat sa pag-shade ng kanilang mga balota.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi niya na nagkaroon ng problema at hindi na-count ang kanyang boto sa partylist.

“Be extra careful when shading your ballots. I pressed a bit too hard on the first page, and it left marks on the back, right where the partylist section was,” pagbabahagi ni Khalil.

Dagdag pa niya, “Sadly, my partylist vote was invalidated due to ‘overvoting.'”

Baka Bet Mo: Khalil Ramos 5 oras hinihintay si Gabbi Garcia sa basement ng GMA

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey pa ni Khalil, “Don’t make the same mistake.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nagbahagi ng aberya na kanilang naranasan habang bumuboto.

Bukod kay Khalil, nauna nang mag-post si Janice Jurado sa kanyang naranasan matapos bumoto sa Commonwealth Elementary School.

“Dito po commonwealth elementary,ang binoto ko na senators hindi lumabas ang nakalagay sa resibo,overvote,” chika ni Janice.

Pagpapatuloy pa niya, “[Sa] house of representative wala din,hindi kumpleto ang mga binoto sa resibo.12 binoto ko walang lumabas,bigyan ninyo ng pansin itong nangyayari na ganito,salamat po.”

Tulad naman ni Khalil, hindi rin counted ang boto ni Nars Alyn Andamo sa partylist dahil naging invalid ito dahil “overvote” ang resulta kahit na isa lamang ang kanyang ibinoto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending