VP Sara Duterte maagang bumoto sa Davao City

VP Sara Duterte maagang bumoto sa Davao City

Ervin Santiago - May 12, 2025 - 10:55 AM

VP Sara Duterte maagang bumoto sa Davao City

Sara Duterte

NAKABOTO na rin si Vice President Sara Duterte ngayong Lunes ng umaga para sa 2025 midterm elections sa kanyang bayan sa Davao City.

Dumating ang bise presidente sa Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa Barangay Matina Crossing lampas alas-8 ng umaga kanina.

Suot ang kanyang itim na polo shirt,  bumoto sa loob ng cluster precinct number 352 si VP Sara.

Nauna rito, nanawagan din si VP Sara sa sambayanang Filipino na iboto ang mga nararapat na kandidato ngayong araw ng eleksyon dahil sa mga mahahalal na politiko nakasalalay  ang kinabukasan ng bansa.


Pahayag ng bise presidente, “Iniibig ko ang Pilipinas. Iniibig ko kayong mga Pilipino. This election will decide the future of our country.

“Ang boto ninyo ang magbibigay katiyakan kung maituloy ang pagbabago o tuloy-tuloy na lang tayo sa kapahamakan,” aniya.

Nasa listahan din ng mga botante sa DRANHS ang tatay ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na tumatakbong mayor sa Davao City.

Kasalukuyan pa ring naka-detain sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands para sa kasong “crimes against humanity” na may kaugnayan sa ipinatupad niyang war on drugs.

Ang running mate naman ni Duterte ngayong eleksyon ay ang kanyang anak na si incumbent city mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending