Mainit, pero asahan pa rin ang ulan sa araw ng halalan

Mainit, pero asahan pa rin ang biglaang pag-ulan sa araw ng halalan –PAGASA

Pauline del Rosario |
Eleksyon 2025 -
May 12, 2025 - 10:48 AM

Mainit, pero asahan pa rin ang biglaang pag-ulan sa araw ng halalan –PAGASA

PHOTO: Facebook/DOST-PAGASA

BAGO lumabas ng bahay at bumoto, huwag kalimutang magdala ng payong!

Sinabi kasi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging mainit at may biglaang pag-ulan ngayong araw ng eleksyon, May 12.

Ayon sa weather bureau, ang weather systems na nakakaapekto sa bansa ay ang Frontal System at Easterlies.

“Makikita natin ang makakapal na kaulapan na kasalukuyang nakakaapekto dito sa Extreme Northern Luzon ay ang patuloy na pag-iral nitong isang frontal system. Ito ay ‘yung boundary o pagitan ng mainit at malamig na hangin,” sey ni Weather Specialist Daniel James Villamil.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Mga dapat tandaan para swabe ang pagboto sa halalan

Dagdag niya, “Dito sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi pa ng ating bansa ay magpapatuloy pa rin ang mainit at maalinsangang panahon na dulot ng Easterlies. Ito ‘yung hanging nanggaling sa dagat Pasipiko, pero hindi nangangahulugan na wala nang ulan na mararanasan.”

Paalala pa ni Villamil, “Maghanda pa rin tayo sa mga biglaan at panandaliang ulan na dulot ng thunderstorms, especially sa late afternoon to evening.”

Nabanggit din sa weather report na walang sama ng panahon na binabantayan sa loob at labas ng bansa sa mga susunod na araw.

Dahil sa weather systems asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Cagayan.

May minsanang pag-ulan din sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending