Lotlot, Janine, Jericho may nadiskubre sa pagbisita sa puntod ni Ate Guy

Nora Aunor, Lotlot de Leon, Kiko de Leon, Diego, Maxine, Jessica, Janine Gutierrez at Jericho Rosales
ARAW-ARAW ay marami pa ring bumibisita sa puntod ng namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani.
Iyan ang ibinalita ng isa sa mga anak ni Ate Guy na si Lotlot de Leon matapos bisitahin ang libingan ng yumaong ina kasama ang kanyang mga anak at kapatid.
Ibinahagi ng premyadong aktres sa kanyang Instagram page ang kanilang family photo na kuha sa harap ng puntod ni Ate Guy.
Makikita roon si Lotlot, ang kapatid niyang si Kiko at apat na anak na sina Diego, Maxine, Jessica, at Janine Gutierrez.
Kasama rin nilang dumalaw sa Libingan ng Bayani ang boyfriend ni Janine na si Jericho Rosales.
“Two days ago we visited mom with her apos and echo and my brother Kiko. Maayos na yung lugar where mom’s at,” ang bahagi ng mensahe ng aktres.
View this post on Instagram
Todo ang pasasalamat ni Lotlot sa patuloy na pagbibigay-pugay ng mga tao sa kanyang nanay. Nadiskubre nga nina Lotlot, Janine at Jericho na napakarami pa ring dumadalaw sa libingan ni Ate Guy, “Araw-araw marami pa din bumibisita sa kanya.
“There are times I wait in the car when I visit her pag maraming tao. And I see how they pay their respects to mom. Salamat sa pagmamahal niyo sa kanya.
“Thank you sa inyo na dumadalaw at lagi kayo may dalang bagong kandila at bulaklak para kay Mommy.
“I’m sure she’s smiling from up above and masaya siya. Thank you for always praying for her too,” pahayag pa niya.
Pinasalamatan din niya ang mga opisyal at staff ng Libingan ng mga Bayani, “Maayos na yung place ng mommy… sobrang linis at ganda. I’m really grateful sa malasakit niyo.
“Mula sa aking puso, Mahal ko kayo at maraming salamat,” mensahe pa ng aktres.
Pinusuan at ni-like ng napakaraming netizens ang madamdaming post ni Lotlot.
Sumakabilang-buhay si Nora Aunor noong April 16, sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.