Paglipat ni Richard sa ABS-CBN hinaharang ng GMA


How true na hinaharang daw ng GMA 7 ang napipintong paglipat ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN? Ang alam namin ay nag-expire na ang kontrata ni Richard sa GMA at ang natitira na lang yata an gang isang movie with GMA Films.

Kaya nga libreng nakalalabas si Richard sa Dos ay dahil wala na siyang kontrata sa Siyete tapos ngayon ay may kumakalat na balitang hinahabol siya ng GMA at hinaharang daw ang kanyang paglipat sa Dos.

True ba ito o chismis lang? Can someone from GMA  shed light on this matter? Anyway, kung true nga, sana ay noon pa nila ito ginawa, noong hindi pa nakakapag-guest ang binata sa kalabang station ng Siyete.

Teka, may counter offer nga kaya ang Siyete para kay Richard?

Read more...