Sanggol natabunan sa landslide sa Davao, patay
NASAWI ang isang limang buwang gulang na sanggol sa Sitio Mundohill, Barangay Marilog, Davao City.
Ito ay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang tahanan na dulot ng isang landslide.
Ayon sa mga lumabas ba ulat, pinapatulog umano ang sanggol sa kanyang duyan ng kanyang
56-anyos na lola nang biglang gumuho ang lupa sa kanilang bahay.
Baka Bet Mo: Sanggol na naiwang mag-isa sa bahay 6 na beses tinuklaw ng ahas, patay
View this post on Instagram
Gumuho na rin at natabunan ng lupa ang kanilang bahay kabilang ang sanggol at kanyang lola.
Agad namang naitakbo sa ospital ang lolang natagpuang sugatan.
Samantala, idineklara namang dead on the spot ang sanggol
Bago pa ang insidente ay napag-alamang ilang beses na umanong pinapalikas ang mga residente sa naturang lugar ng lokal na pamahalaan dahil prone ito sa landslide.
Ang dahilan na itinuturong paglambot at pagguho ng lupa ay ang sunud-sunod na pag-ulan sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.