Bianca de Vera iyak ng iyak sa pagpanaw ng pet dog: ‘She was my world’

PHOTO: Screengrab from YouTube/Pinoy Big Brother
DAHIL sa pagpanaw ng alagang aso, pansamantalang lumabas ng Pinoy Big Brother house si Bianca de Vera.
Binigyan siya ng pagkakataon upang magpaalam sa fur baby niya na si Peach.
Magugunitang unang ibinandera ng ina ni Bianca sa social media ang malubhang kalagayan ng pet dog, kalakip ang kanyang kahilingan na ipagdasal ito na at that time ay may isang araw nalang ang nalalabing buhay.
At dahil tuluyan nang binawian ng buhay si Peach, pumayag si Big Brother na makausap ni Bianca ang kanyang ina upang malaman ang nangyari sa alagang aso.
Baka Bet Mo: AZ Martinez hiwalay na kay Larkin Castor bago pumasok sa PBB
Sa kanilang pag-uusap, makikitang labis ang pagdadalamhati ng young actress, habang tinatakpan ang kanyang mukha sa gitna ng pag-iyak.
Binigyan din siya ni Big Brother ng pagkakataong makita si Peach sa huling pagkakataon kaya’t pansamantala siyang pinayagang lumabas ng bahay.
“Peach is my best friend. Nag-iisang [anak] lang po ako so Peach din po was like a sister to me,” sey ni Bianca habang nasa confession room.
Kwento pa niya, “I got her when I was around 17. I didn’t expect to love her that much but she was my world. Gagawin ko lahat para sa kanya, and I know she would do the same for me.”
Kinabukasan, tuluyang lumabas si Bianca ng Bahay ni Kuya at binigyan siya ng limang minuto upang makasama si Peach na nasa memorial service.
Muli siyang napaiyak habang papalapit kay Peach na nakahimlay sa isang mesa at napapalibutan ng mga bulaklak.
Naglaan din si Big Brother ng 100 segundo para makasama ni Bianca ang kanyang mga magulang at magluksa sa pagpanaw ng fur baby.
Kung matatandaan, noong Marso nang pumasok si Bianca sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” na kinilalang “Ang Sassy Unica Hija” ng Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.