Cardinal Tagle kay Pope Leo XIV: ‘Very human, very humble, but very discerning’

Cardinal Tagle, Pope Leo XIV
“VERY human, very humble, but very discerning.”
Ganyan inilarawan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang bagong Santo Papa na si Robert Francis Prevost o mas kilala na ngayon bilang si Pope Leo XIV matapos tanungin tungkol sa naging working relationship nila bilang isa sa mga lider ng Roman Curia, ang central governing body ng Simbahang Katolika.
Noong Biyernes, May 9, nagkaroon ng post-conclave press conference na ginanap sa Roma at doon ibinahagi ni Cardinal Tagle ang ilang masasayang moments nang makasama niya si Prevost.
Ibinunyag pa nga ng Pinoy cardinal na madalas silang nagkakatabi sa upuan tuwing may formal meetings dahil pareho silang may posisyon na cardinal-bishops.
Baka Bet Mo: Kilalanin si Robert Francis Prevost: Ang unang Amerikano na naging Santo Papa
Naikuwento pa nga ni Tagle na nagbibiruan pa sila ni Prevost kapag nagsasabay silang kumuha ng kape sa umaga.
“He is a very level-headed person. He’s not the kind of person who is guided by just impulses and reactions,” sey niya sa presscon, ayon sa ulat ng INQUIRER.
Dagdag niya, “He listens and if needed, he would study something. He would not immediately decide, but he would study it first. But when he comes back, you would see that everything is clear.”
Naging madali rin daw ang pakikipag-usap niya sa bagong pope dahil pareho silang English speakers.
Kasunod niyan, chinika ni Tagle ‘yung mga moments na isinasagawa ang conclave para sa pagpili ng bagong Santo Papa matapos pumanaw si Pope Francis.
Madalas raw silang nagkaka-usap ni Prevost dahil marami itong itinatanong sa kanya sa mga mangyayari, lalo na’t ito na ang ikalawang beses na nag-participate ang Pinoy cardinal sa Papal conclave.
Nag-viral pa nga sa social media ‘yung picture ng dalawa na kung saan ay nasa likod ni Tagle si Prevost para sa secrecy vows.
“He has a humorous side, he has a sense of humor that he has a loud voice when he laughs,” sey pa ni Tagle.
Magugunitang maliban kay Tagle, ang ilan pang Pinoy na present sa conclave ay sina Cardinal Pablo Virgilio David at Cardinal Jose Advincula.
May 9 nang bumandera ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel, na hudyat na may napili nang hahalili sa yumaong Pope Francis.
Hindi rin naman nagtagal nang magkaroon ng first public appearance si Pope Leo XIV sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica upang batiin ang libo-libong tao mula sa iba’t-ibang bansa na nag-abang kung sino ang magiging bagong pope.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.