Rufa Mae magsisimula ulit ng buhay sa Pinas, balik-arte na: ‘Congrats to MYSELF!’

PHOTO: Instagram/@rufamaequinto
INANUNSYO ng comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto na magsisimula siya ng panibagong buhay sa Pilipinas, kasama ang anak na si Athena.
Ito ay matapos siyang humarap sa ilang pagsubok, kabilang na ‘yung kinasuhan siya kaugnay sa investment scam at dahil na rin sa personal na problema sa kanyang mister na si Trevor Magallanes.
“Nagsisimula ako ulit eh ‘di ba. At least ngayon, hinahanap mo ‘yung tamang solusyon o gagawin nang mag-isa,” sey niya sa interview ng TV Patrol kamakailan lang.
Nabanggit din niya na kasama sa kanyang panimula ay ‘yung ipakita sa kanyang anak ang tunay niyang buhay bilang isang artista, lalo na’t nais na niyang bumalik sa pag-arte.
Baka Bet Mo: Rufa Mae gusto pa sanang magkaanak: Pero ayoko na rin, may kapatid na naman si Athena sa unang ganap ni Trevor!
“Para makilala naman ng anak ko kung sino din ako. Sabi nga niya, ‘Mama, why everyone likes you? Bakit parang sikat ka?’ ganyan. Hindi niya [alam],” kwento niya.
“Eh sabi ko, ‘This is really my life, but I chose family in the US to take care of you, to be normal, but you have to know who am I, who you are’, yes!” patuloy niya na natawa pa ng malakas.
Bukod diyan, nagkaroon pa ng Instagram post ang celebrity mom upang ibalita na may pinagkakaabalahan na siyang bagong proyekto.
“It’s the beginning of the start…For me, For you .. and the entire HUMAN RACE, of the Philippines,” kwela niyang caption sa IG.
Ipinagmalaki rin niya na nag-umpisa na siyang mag-taping at sabay na binati pa ang kanyang sarili para sa Mother’s Day sa Linggo, May 11, at sa darating niyang birthday sa May 28.
“Kagabi lang ako nag-taping in showbiz!” proud niyang sinabi sa post.
Wika pa niya, “Advance Happy Mother’s Day to Me! Advance Happy birthday to me!”
View this post on Instagram
Matatandaan nitong taon nang inireklamo ang aktres ng 14 counts ng paglabag umano sa Section 8 of Securities Regulation Code, na isinampa laban sa kaniya ng 39 na katao sa Pasay Regional Trial Court.
Pero na-dismiss naman ito agad at napawalang-bisa ang conviction, subpoena, at warrant of arrest laban sa kanya.
Noong December last year naman nang kumalat ang breakup rumor sa pagitan niya at ng kanyang asawa matapos maglabasan ang screenshots ng palitan ng mensahe nila.
Matindi ang umano’y sagutan nina Rufa Mae at Trevor tungkol sa kanilang relasyon, pati na rin sa nag-iisa nilang anak kaya naman ina-assume ng lahat na nagkanya-kanya na sila ng landas at tinapos na ang pagsasama.
Sa isang interview, inamin ni Rufa Mae na umaasa siyang may pag-asa pang magkaayos sila ng non-showbiz husband.
Hindi pa kasi malinaw sa kanya kung nais na siyang hiwalayan ng mister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.