Angelika nakatanggap ng 3 bala, binantaan: Umatras ka na!

Angelika dela Cruz nakatanggap ng 3 bala ng baril, binantaan: Umatras ka na!

Ervin Santiago |
Eleksyon 2025 -
May 10, 2025 - 09:01 AM

Angelika dela Cruz nakatanggap ng 3 bala ng baril, binantaan: Umatras ka na!

PINAGBANTAAN ang buhay ng aktres na si Angelika dela Cruz pati na ng kanyang pamilya na may koneksyon sa pagtakbo niyang vice mayor sa Malabon.

Ipinaalam ni Angelika sa publiko ang natanggap na death threats sa pamamagitan ng social media nitong nagdaang Biyernes, May 9.

Sa kanyang Facebook page, ipinost ng aktres ang litrato ng tatlong bala ng baril at sulat-kamay na mensahe na ipinadala sa kanya ng pinaniniwalaang mula sa mga taong kontra sa pagkandidato niya bilang bise alkalde ng Malabon.

Ang mababasa sa naturang sulat, “Angelika Dela Cruz, mapagpalang araw sa ‘yo!! Umatras ka na sa laban ng Vice Mayor ng Malabon!!

Baka Bet Mo: Nanay ni Angelika dela Cruz sa natanggap na death threat ng pamilya: So scary! We are not safe anymore in Malabon!

“Kung hindi alam mo ang kahihinatnan mo at ng pamilya mo!!” ang pagbabanta kay Angelika.

Bwelta naman ng aktres sa natanggap na death threat, “Siniraan, kinasuhan ngayon naman tinatakot anong kasunod ?!! Grabe na pati family ko dinadamay ninyo.”

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens sa ginagawang pananakot kay Angelika.

“Takot na takot sayo katunggali mo.”

“Ingat po Ms Angelika!”

“Kailangan nyo po nang super body guard maam Angelica na mag po protection sa inyo Hindi ho biro ang banta na yan.”

“Ganito ka desperate Yung ibang candidate sa pinas kasi pana grabi ang kurakot sa panahon ngayun”

“Kapag may nangyari po sa inyo at sa familya nyo po, alam nyo na po kng sinong kagagawan.”

“Ganyan po talaga ung mga taong hindi po marunong makuntento sa kung ano po meron sila.”

“Kung sino k man na nagbabanta kay mis angelika sana sau mangyari yng sinasabe m pati babae pinapatulan m lalo kng matatalo sa ginagawa mo.”

“Maam Angelica , magpray ka lang kay Jesus na bigyan ka nya courage and He make you strong. Your faith will manage your fear, put all in the  hand of Jesus and He will protect you from all harms . God Bless Maam.”

“GANYAN ang utak at magagawa Ng mga kalaban na hindi marunong tumanggap Ng PAGKATALO sa larangan Ng laban pulitika handang pumatay Ng kapwa.”

“Hindi maganda ang ganyan bakit hindi natin hayaan na taong bayan ang magdikta.huwag nyo tanggalan nang karapatan ang mga mamamayan nang bayan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, pinalagan ni Angelika ang  kasong isinampa sa kanya ng Office of the Obudsman dahil umano sa pandarambong sa halagang hindi bababa sa P70 milyon.

Bukod dito, nahaharap din ang aktres at politiko sa kasong administratibo dahil sa pagpapabaya umano niya sa kanyang trabaho at pagpapasa ng responsibilidad sa kapatid niyang kagawad nang walang authorization.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending