Yul Servo bilib na bilib sa pagiging public servant ni Dra. Dianne Nieto
Eleksyon 2025 - Bandera May 10, 2025 - 09:12 AM
SIYEMPRE, proud na proud ang premyadong aktor at public servant na si Yul Servo sa kanyang mga katuwang sa pagbibigay-serbisyo sa mga Manileño.
Isa na nga riyan si Dra. Dianne Nieto, na inilarawan niyang masipag at maaasahang doktor na matagal nang naglilingkod sa mga taga-Maynila.
Bilang lead doctor ng medical team ni Vice Mayor Yul Servo Nieto, lagi siyang on-call sa tuwing may sakuna o emergency sa Maynila.
Dahil sa malawak niyang karanasan sa quick response operations, batid niya ang tunay na kalagayan ng kalusugan sa lungsod.
Baka Bet Mo: Yul Servo Nieto kalmado lang sa ingay ng politika, niyanig ang sistema
Kaya’t binuksan niya ang Alagang Nieto Clinic sa Sampaloc upang direktang makatulong sa mga taga-Distrito Kwatro.
Bilang Chief of Staff ng Office of the Vice Mayor, siya rin ang nanguna sa mga programang tulad ng Botika ng Manileño, na nagbibigay ng libreng maintenance medicines.
Pero hindi siya tumigil doon—”Botika on Wheels” ang kanyang inisyatibo para maihatid ang gamot sa mismong tahanan ng mga pasyente, lalo na ang mga hindi makalabas o walang pamasahe.
Bilang isang ina, isusulong din ni Dra. Dianne ang proteksyon para sa mga working moms at ang pagbuo ng mobile clinics na magbibigay ng libreng check-up, bakuna, at serbisyong medikal sa mga barangay.
Sa kanyang dedikasyon, karanasan, at malasakit, si Dra. Dianne Nieto ay handang maging boses ng kalusugan at kalinga sa Konseho ng Maynila bilang Konsehal ng Distrito Kwatro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.