Freddie Aguilar nakiusap…wag na sana silang pakialaman ni ‘Daisy’ ngayong mag-asawa na

Ang pag-ibig nga naman. Kapag usapin na ng pag-ibig ang pinagtalunan ay walang kahit sinong nananalo sa pagkontra ng dalawang taong nagmamahalan.

Pinatunayan ni Freddie Aguilar na sa kabila ng mga batikos na tinatanggap niya ngayon dahil sa pakikipagrelasyon niya sa isang menor de edad ay wala pa rin siyang pakialam.

Nagpalit ng relihiyon ang musikero para lang mapakasalan niya si Jovie, ang disisais anyos na dalagitang nakilala niya sa Mindoro nang magkaroon siya ng show du’n, niyakap ni Ka Freddie ang Islam.

Naging napakasakit para kay Freddie ang kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanya ng iba’t ibang sektor nang malantad ang pakikipagrelasyon niya kay Jovie.

Sabi nga niya, sa mga panahong ito na naghihikahos na ang Kabisayaan ay ang kanilang kalagayan pa ba naman ng dalagita ang mas uunahin ng mga kumokontra sa kanilang relasyon?

Maayos kay Ka Freddie ang pamilya ni Jovie, tanggap siya ng mga ito, katwiran ng pamilya ng dalagita ay wala namang sinasagasaan ang musikero at ang kanyang girlfriend sa kanilang pagmamahalan kaya nasaan ang problema?

Nu’ng isang araw ay balitang-balita na nagpakasal na sila sa Mindanao, isang aksiyon na nagpapatunay lang kung gaano kasinsero si Ka Freddie kay Jovie, ang dalagitang muling nagpatibok ng kanyang puso pagkalipas nang maraming taon.

‘Yun ang tunay na pag-ibig. Kalabanin man ang mundo ay hindi imposible, dahil sabi nga, ang kaligayahang nararamdaman ngayon ni Freddie Aguilar ay hindi naman kayang ipatikim sa kanya ng kahit ano at ng kahit sino.

Tanging ang dalagitang si Jovie lang ang makapagpaparamdam ng tunay na kaligayahan ngayon sa hindi malilimutang musikero.

( Photo credit to INS )

Read more...