Pinoy netizens nalungkot na hindi naging pope si Cardinal Tagle

Pinoy netizens umasa, nalungkot na hindi naging Santo Papa si Cardinal Tagle

Pauline del Rosario - May 09, 2025 - 11:05 AM

Pinoy netizens umasa, nalungkot na hindi naging Santo Papa si Cardinal Tagle

PHOTO: Facebook/Luis Antonio G. Cardinal Tagle

HINDI man naging Santo Papa, dama pa rin ang suporta ng mga Pinoy para kay Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ito ay matapos ibandera ng Vatican ang napiling bagong lider ng Simbahang Katolika na si American Cardinal Robert Francis Prevost.

Si Prevost, na ngayon ay kilala bilang Pope Leo XIV, ang pinili ng College of Cardinals na ika-267th Supreme Pontiff kapalit ni Pope Francis na pumanaw noong April 21 sa edad 88.

Si Cardinal Tagle naman ay kabilang sa mga “papabile” o mga kardinal na binabantayan bilang posibleng susunod na Santo Papa.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Ano ang nangyayari kapag namatay ang Santo Papa?

Sa social media, siya ang naging “pambato ng bayan.”

Bukod pa riyan ay isa rin siya sa mga paborito sa online discussions.

Ngunit sa kabila nga ng matinding suporta online ay hindi napili si Cardinal Tagle bilang kahalili ni Pope Francis.

Dahil diyan, naging trending ang kanyang pangalan at marami ang nagsabing sana ay naging unang Filipino at unang Asian na Santo Papa si Tagle. 

Kasunod niyan ay may mga nag-viral pang ilang memes na nagpapakita ng lighthearted disappointment ng netizens.

Ang ilan ay nagbahagi ng mga throwback sa ibang international competitions kung saan Pinoy din ang nagtapos bilang runner-up.

May isa pang nagbiro na: “Cardinal Tagle joins Robbedt Filipino queens roster following the likes of Janine Tugonon (Miss Universe), Jessica Sanchez (American Idol), Manila Luzon (Drag Race US), among others.”

Ang iba, inihalintulad pa ang hindi pagkakapili kay Tagle sa pagkatalo ni dating VP Leni Robredo noong 2022 elections. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coincidentally, pareho pa raw ang petsa ng eleksyon at ng Vatican conclave sa oras ng Pilipinas.

Samantala, nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na ipagdasal na lang si Cardinal Tagle at ang buong Simbahan para sa bagong yugto ng liderato. 

Anila, dapat igalang ang proseso ng eleksyon ng Santo Papa at iwasan ang anumang uri ng “pangangampanya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending