Jake Ejercito hindi bet mag-politiko: Sa marathon lang ang labanan, hindi halalan!

PHOTO: Facebook/Jake Ejercito
“TUMATAKBO po ako…pero sa marathon, hindi sa politika!”
Ito ang naging paglilinaw ng aktor na si Jake Ejercito matapos siyang ma-bash ng isang netizen dahil inakala itong nangangampanya sa isang social media post.
Makikita kasi sa Facebook ang picture ni Jake kasama ang batikang singer-actress na si Vina Morales na nakasakay sa isang truck at kumakaway na tila nasa isang campaign motorcade sila.
Dahil diyan, may isang FB user ang nagkomento at pinuna agad ang aktor: “[Ayaw] namin ng pogi lang, dapat may alam at [plataporma].”
Baka Bet Mo: Jake Ejercito humugot matapos maaresto si Duterte: Ngayon na ang singilan
Agad naman itong naging agaw-pansin sa aktor kaya sumagot siya: “Tumatakbo po ako – pero sa marathon, hindi sa politika.”
May nilagay din siya sa caption na ang sabi ay, “Marathon lang ang labanan, hindi halalan.”
Kung mapapansin sa socmed posts ng aktor, ang hobby niya talaga ay ang pagtakbo sa marathon at nagpupunta pa nga siya sa ibang bansa upang sumali.
Recently nga lang ay nag-join siya sa Budapest Spring Half Marathon na ginanap sa Hungary.
Nabanggit din niya sa isang post na ang next target naman niya ay ‘yung marathon na mangyayari sa Chicago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.