‘Picnic’ movie swak sa panlasang Pinoy; Ces Quesada sad sa pagkawala ni Ricky
ALIW ang Tagalized version ng Korean movie na “Picnic” sa pangunguna ng boses nina Ces Quesada at Nova Villa plus si Fyang Smith.
Sakto ang pelikula for Mother’s Day na sana ay mapanood ito ng buong pamilya lalo na ng mga anak para maalala nila kung gaano sila kamahal ng kanilang ina.
Nagsimula nang mapanood ang “Picnic” noong Miyerkoles sa 110 sinehan nationwide at distributed ito Nathan Studios.
Sa ginanap na premiere night ng pelikula na ginanap sa Gateway Cinema 3 ay nakuwento ng Chief Operating Officer ng Nathan Studios na si Sylvia Sanchez ay wala siyang balak bumili ng pelikula basta nagpunta lang daw sila sa Busan, Korea at pagpasok nila sa entrance kasama ang Executive Producer na si Chocs ay napansin niya ang teaser ng “Picnic”.
Baka Bet Mo: Fyang Smith graduate na ng Senior High School, JM Ibarra todo suporta
View this post on Instagram
“Napa-stop ako at sabi ko, parang ang ganda no’n dalawang nanay (Na Moon-hee as Eun-sim) at (Kim Young-ok as Geum-soon), dalawang lola tapos may lolo (Park Geun-hyung as Tae-ho) kunin natin kasi tayo maka-pamilya tayo kaya ito ang istorya (binili).
“Actually pag bumibili ka (pelikula) sa abroad hindi ipapakita sa ‘yo ‘yung buong pelikula, gut feel lang, nakita mo lang at nagustuhan mo, papadalhan ka at bahala ka sumugal at dito (Picnic) hindi kami nagkamaling sumugal.
“At pagdating dito tiningnan (pinanood) namin ang pelikula tapos pinag-aralan namin ang karakter at kinailangan namin ng dalawang artistang magkadikit talaga ang relasyon bilang mag-bestfriends at kaya namin nakuha sina Tita Nova at Ate Ces kasi close ko sila at nakita ko ‘yung samahan nila, kasama na rin sina Fyang at JM (Ibarra). Doon po nabuo,”kuwento ni Ibyang.
Habang pinapanood ang pelikula ay maraming tawanan kaming narinig dahil may komedyante ang mga bida lalo’t may mga edad na at nagre-reminisce sila nu’ng kabataan nila.
Hatid ng “Picnic” ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.
Boses ni Ces Quesada ang ginamit kay Eun-sim at si Nova Villa naman ang boses na ginamit ni Geum-soon bilang bestfriends sila for life and beyond.
Napuri rin ang voice acting ng “Pinoy Big Brother: Gen 11” winner na si Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim. Boses naman ni Bodjie Pascua ang ginamit sa karakter ni Tae-ho.
Sa Village South Gyeongsang Province ang location ng pelikula, isang tahimik na lugar kung saan maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.
Kumita ang “Picnic” ng US$2.2M sa budget nitong 1.2 billion KRW (US$911,000.00) at nasa top spot na ito sa loob nang dalawang linggo sa independent at art-house box office charts ng South Korea na umani ng critical acclaim para sa sensitibong atake nito sa mga seryosong paksa.
Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula.
Makikita ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na kumakausap sa puso ng bawat Pinoy.
Kilala ang Nathan Studios sa mga kakaibang content nito. Mapa-genre-defying series man o daring casting choices, o kakaibang storytelling directions, tiyak na hindi “play safe.”
Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc.
* * *
Pagkatapos mapanood ang “Picnic” ay hiningan ng reaksyon si Ces Quesada bilang si Na Moon-hee as Eun-sim ang tumira sa city kung sakaling mangyari sa kanya sa totoong buhay ang karakter niya sa pelikula.
Umiling kaagad si Ces dahil hinding-hindi raw ito mangyayari dahil aalagaan siya at mahal siya ng anak niya.
“Proven na yan sa anak ko, ganyan nga hindi mo (rin) masabi mga bagay-bagay and it happens talaga kaya accept mo na lang sad no, nangyayari talaga ‘yan sa maraming tao,” reaksyon ni Ces nang maka-tsikahan namin paglabas ng sinehan.
Pero kung naniniwala ka naman daw sa Diyos ay hindi ka mag-aalala sa pagtanda mo.
“Hindi ka magwo-worry ‘coz everything will be okay and spiritually dapat ganu’n ang tingin mo sa buhay,” sabi pa ng beteranang aktres.
Samantala, maraming senior stars na ang namaalam at apektado si Ces dahil mga kaibigan niya ang mga ito at naka-trabaho pa niya.
“Affected ako kasi naka-trabaho ko at mga kaibigan lalo na si Direk Ricky (Davao) pero siyempre since nandito ka na rin sa twilight years mo dapat alagaan mo ang sarili mo, mahalin mo na lahat ng tao na mamahalin, magdasal, mag-enjoy ka habang nandito ka.
Kasi kapag malungkot ka o kaya iisipin mo ‘yung future sayang ang mga taon,” say ng aktres.
Sa paanong paraan ni Ces na gusto siyang maalala ang mga happy times na magkakasama sila, mg ana-touch niya ang puso.
“Siyempre choose to always be kind para mawala ka man ay matatandaan ka ng lahat,” saad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.