Hiling ni Euleen Castro, upuan para sa plus size sa bawat presinto

Hiling ni Euleen Castro sa Comelec, upuan para sa plus size sa bawat presinto

Therese Arceo |
Eleksyon 2025 -
May 08, 2025 - 07:30 PM

Request ni Euleen Castro sa Comelec, upuan para sa plus size sa bawat presinto

NANAWAGAN ang kilalang social media personality na si Euleen Castro sa Commission on Elections (Comelec) na san’y magkaroon rin ng upuan para sa mga bobotong plus size sa darating na eleksyon.

Sa kanyang podcast kasama ang bestfriend na si Kevin Montillano na “Panalo Ka With Kebab” napag-usapan nila ang paparating na halalan.

Dito ay natanong si Euleen kung active siyang voter at doon na nagsimula ang kanyang pagbabahagi niya ng kanyang struggles bilang isang plus size na botante.

“Siguro sa mga susunod, hindi na ako maging active kasi hindi na ako kasya doon sa upuan sa botohan,” panimula ng TikTok star.

Baka Bet Mo: Viral vlogger Euleen Castro ayaw magkaroon ng kaibigang Korean noon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa ni Euleen, “‘Di ba kasi kung nasaan ang mga botohan sa mga public schools. E di siyempre sa public schools ang mga upuan nila ‘yung may armchair.

“Yung huling boto ko… hindi na ako kasya. Siguro ‘yung ngayong boto ko, doon ako sa nagbabantay.”

Kaya naman hindi napigilan ni Euleen ang manawagan sa Comelec para naman maging kumportable siya pati na rin ang mga kapwa plus size niya sa pagboto sa darating na midterm elections.

“Siguro ang hiling ko lang, sana po magbigay kayo ng mga places para sa plus size. Or kahit man lang sa isang presinto may isang upuan para sa plus size kasi hindi naman ‘yan sabay sabay [boboto] eh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sorry po pero kailangan ko lang ilabas to lasi nahihirapan na ako. Gusto ko lang po minsan [na araling mabuti ‘yung iboboto] pero bibilisan mo kasi ang sakit na, ‘hindi ako kasya dito,’” sey ni Euleen.

Aniya, kahit isang malaking upuan lang sa kada presinto ay malaking tulong na.

“Please. Nagmamakaawa po ako sa lahat ng sangay ng gobyerno, kung sino man po. Comelec, please. Isa lang po. Isa lang kada presinto. Isa lang para sa plus size nagmamakaawa na ako,” pakiusap pa ni Euleen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending