Jon Santos bongga ang pagbabalik entablado, may pasabog para sa Pride Month

PHOTO: Courtesy of The Sandbox Collective
MALAPIT na ang Pride Month, kaya naman nagbabalik sa entablado ang nag-iisang Jon Santos!
Ang exciting pa ay hindi lang isa ang pagbibidahan niyang bonggang produksyon, kundi dalawa.
Magkakaroon ng rerun ang one-man play niyang “Bawat Bonggang Bagay (BBB)”, at may kasunod pa itong “Side Show: The Musical.”
Matapos ang sold-out runs noong 2023 at 2024, muli tayong bibigyan ng rollercoaster of emotions ng “Bawat Bonggang Bagay,” ang Filipino adaptation ng “Every Brilliant Thing” nina Duncan Macmillan at Jonny Donahoe.
Baka Bet Mo: Jon Santos, Kakai, Donita Nose nanggulo sa bahay ni Regine
Ang kwento niya ay muling iikot sa isang LGBT member na lumalaban sa gitna ng mental health struggles gamit ang listahan ng bonggang bagay na nagbibigay saysay sa buhay niya.
Ang show na ‘yan ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Jenny Jamora at sa salin ng multi-talented Guelan Luarca.
Mapapanood ang “BBB” sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater sa Circuit Makati, simula June 14 hanggang June 22.
Walang extension kaya gora na sa TicketWorld via bit.ly/bbonggab25 habang may tickets pa!

PHOTO: Courtesy of The Sandbox Collective
Pagkatapos niyan, aarangkada naman ang kanyang “Side Show: The Musical” na babandera sa darating na Hulyo.
Ipapakita naman diyan ni Jon ang kakaibang mundo ng “freaks.”
Ito ay base sa kwento ng tunay na buhay ng conjoined twins na sina Daisy at Violet Hilton na sumikat noong 1920s at 1930s sa Amerika.
Ang magiging direktor ay si Toff de Venecia, kaya aasahan natin ang isang visually stunning, emotionally gripping na musical na tiyak na magpapaisip at magpapaindak sa ating lahat.
Musical director naman dito si Ejay Yatco –so expect powerhouse music and heart-hitting numbers.
Ang iba pang cast naman para sa musical ay hindi pa nari-reveal kaya isa ‘yan sa mga kaabang-abang.
Gaganapin din ang “Side Show: The Musical” sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater mula July 26 hanggang August 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.