Ian Sia ‘disqualified’ na sa eleksyon dahil sa ‘single mother joke’ –Comelec
Eleksyon 2025 - Bandera May 08, 2025 - 12:44 PM

PHOTO: Facebook: Christian “Ian” Sia
HINDI na matutuloy sa pagtakbo sa eleksyon si Atty. Christian “Ian” Sia bilang kandidato ng pagka-kongresista sa Pasig City.
Diniskwalipika na kasi siya ng Commission on Election (Comelec).
Inaprubahan ng Second Division ang petisyon ng Comelec Task Force SAFE laban kay Sia dahil sa naging biro nito sa mga single mother sa gitna ng isang campaign sortie ng nakaraang buwan.
“Accordingly, Respondent is hereby disqualified from continuing as a candidate for Member, House of Representatives, Lone Legislative District of Pasig City, in relation to the 2025 National and Local Elections,” ayon sa resolusyon.
Baka Bet Mo: Angelu nagbabala sa abogadong tumatakbong mambabatas sa Pasig: Bawal ang bastos!
Nakasaad din na hindi maipoproklama si Sia kahit siya ang makakuha ng mayorya ng mga boto.
Matatandaang sinabi ng kandidato sa isang caucus na ang mga nalulungkot na single mother sa lungsod na may “period” o regla pa ay maaring sumiping sa kanya isang beses isang taon.
Magugunita rin na sinagot ni Sia ang inilabas na show cause order ng Comelec at sinabi niyang hindi maituturing na diskriminasyon sa single mothers ang kanyang biro at ito raw ay maituturing na “freedom of speech.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.