Colet, Jhoanna, Stacey ng BINI nasangkot umano sa ‘iskandalo’, fans dismayado

PHOTO: Instagram/@bini_ph
Trigger Warning: Mentions of sexual abuse.
MAINIT na pinag-uusapan sa social media ang ilang miyembro ng nation’s pop group na BINI, partikular na sina Jhoanna Robles, Colet Vergara, at Stacey Sevilleja.
Sa katunayan nga ay top trending sa X (dating Twitter) ang “Colet,” “Blooms,” at “BINI.”
Kumakalat kasi sa social media ang isang video na makikitang nakaupo sa isang couch si Jhoanna, habang nasa harapan niya sina Ethan David ng P-Pop GAT at ang dancer na si Shawn Castro na tila nagkukulitan at pabirong nagbebembangan.
Baka Bet Mo: Maloi and Colet ng BINI ‘graduate’ na ng Senior High School
Maririnig pa sa background ang tila boses daw ni Stacey na ang sabi habang tumatawa, “Ganyan ginagawa niya kay Ashley…Sinasabunutan.”
Hirit naman ng isang babae na hindi kita sa video at ka-boses daw ni Colet, “Oo, 13 years old”
Tapos ang sagot naman ni Jhoanna, “Ah, 13 years old.”
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na Ashley sa video ngunit ang espekula ng netizens, siya ang 13 years old na dating naka-date umano ni Ethan.
Maraming fans naman ang sobrang nadismaya sa nabanggit na BINI members at ibinandera pa nga nila online ang kanilang hinaing matapos masaksihan na ginawang katatawanan umano ang “grooming” at sexual abuse.
Sey ng isang fan, “Alam kong hindi ako kawalan pero seryoso ako pagdating sa s*xual issue lalo na if may nababanggit na minor. Hindi sya biro at hindi dapat gawin biro or katatawanan @bini_stacey @bini_jhoanna @bini_colet. Nakakalungkot at ang sakit lang na malaman na natetake nyo ang ganyang joke.”
Alam kong hindi ako kawalan pero seryoso ako pagdating sa s*xual issue lalo na if may nababanggit na minor. Hindi sya biro at hindi dapat gawin biro or katatawanan @bini_stacey @bini_jhoanna @bini_colet Nakakalungkot at ang sakit lang na malaman na natetake nyo ang ganyang joke pic.twitter.com/1ZW7H2adJV
— si Jho na mahal si Aiah (@JhoAngPangalan) May 7, 2025
Wika ng isa pang X user, “What is this behavior, Jhoanna, Stacey, Colet, Ethan and Shawn? Normalizing and making a joke about grooming and sexual assault? Tangina nakakadiri kayo!!!”
What is this behavior, Jhoanna, Stacey, Colet, Ethan and Shawn?
Normalizing and making a joke about grooming and sexual assault? Tangina nakakadiri kayo!!! pic.twitter.com/xKblSSzRRt
— Persia (@persiacutie) May 7, 2025
Ang sey pa ng isa pang netizen, “WE DEMAND THE IMMEDIATE REMOVAL OF COLET, JHOANNA, AND STACEY FROM BINI DUE TO THEIR RECENT SCANDAL. IF THIS IS NOT DONE, WE WILL NOT HESITATE TO STOP SUPPORTING THE GROUP ENTIRELY.”

PHOTO: X/@skytropical17
Pati ang official fandom ng BINI na Blooms ay nag-post na rin ng kanilang official statement.
Ang kanilang hiling ay sana magsalita ang kanilang mga idol upang linawin ang naging kontrobersiya.
“We respectfully urge BINI and their management to openly address this issue, demonstrate responsibility, and reaffirm their commitment to empowering and uplifting women. Let’s use this moment constructively, encouraging growth, awareness, and genuine reflection for all involved,” saad sa bahagi ng kanilang pahayag.
We’re not stepping back—we’re stepping up. Committed to reflection, accountability, and growth, we strive for greater self-awareness and continuous improvement as we uphold the advocacy we’ve proudly championed from the start. #TEAMBLOOMPH #BLOOMS @BINI_ph @starmagicphils pic.twitter.com/6JKZSPVwib
— BLOOM PHILIPPINES (@TEAMBLOOMPH) May 7, 2025
Nilinaw rin ng fandom na hindi nila iiwan o kokondenahin ang mga sangkot, ngunit para magsilbi itong paalala.
“[It] serves purely as a reminder that such actions shouldn’t be swept under the rug—especially since this remains a recurring social issue affecting many, even if it might not directly affect you,” sey ng Bloom Philippines.
Anila, “As a community, let’s continuously strive to improve, stay aware of these concerns, and learn from them together.”
Bukas din ang BANDERA sa pahayag at paglilinaw ng mga nasasangkot sa nasabing viral video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.