Itim na usok bumandera sa unang botohan para sa new Pope

Conclave patuloy, itim na usok bumandera sa unang botohan para sa bagong Pope

Pauline del Rosario - May 08, 2025 - 09:28 AM

Conclave patuloy, itim na usok bumandera sa unang botohan para sa bagong Pope

INQUIRER photo

WALA pang napipiling bagong Santo Papa.

‘Yan ang update sa unang round ng botohan ng mga kardinal dahil sa lumabas na itim na usok mula sa chimney ng Sistine Chapel nitong Huwebes, May 8 (Manila time).

Para sa kaalaman ng marami, ang “black smoke” ay tanda na wala pang nakakakuha ng kinakailangang two-thirds o 89 na boto mula sa 133 cardinals para sa posibleng pumalit kay Pope Francis.

Dahil dito, magpapatuloy ang conclave sa ikalawang round.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Sino ang posibleng maging bagong Santo Papa?

Ayon sa ilang ulat, kabilang sa mga nangunguna sa posibleng maluklok bilang bagong Santo Papa ay sina Cardinal Luis Antonio Tagle at Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David ng Pilipinas.

Bumandera ang nasabing usok bandang 3:00 a.m. (Manila time), halos apat na oras matapos pumasok ang mga cardinal sa Sistine Chapel upang manumpa sa sikretong proseso ng pagpili at pormal na simulan ang makasaysayang botohan ng ika-267th Pope ng Simbahang Katoliko.

At bilang bigo ang first round ng botohan, pansamantala munang magpapahinga ang mga cardinal sa kanilang tinutuluyang lugar sa loob ng Vatican.

Galing sa humigit-kumulang 70 na bansa, ang mga cardinal ay hiwalay muna sa labas ng mundo –walang cellphone at pinutol ang komunikasyon sa paligid ng Vatican upang masigurong lihim ang proseso hanggang makapili ng bagong Santo Papa.

Marami sa mga cardinal ang ngayon pa lang nagkakakilala, kaya nangangailangan pa raw ng oras upang makilala ang isa’t isa.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit maaaring matagalan bago makuha ng isa sa kanila ang kinakailangang bilang ng boto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wait and see, a little patience, wait and see,” sey ni Cardinal Mario Zenari, ang Vatican’s ambassador sa Syria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending