LPA magpapaulan sa maraming lugar, pero hindi magiging bagyo

LPA magpapaulan sa maraming lugar, pero hindi magiging bagyo –PAGASA

Pauline del Rosario - May 08, 2025 - 08:44 AM

LPA magpapaulan sa maraming lugar, pero hindi magiging bagyo –PAGASA

PHOTO: Facebook/DOST-PAGASA

ASAHAN ang mga ulan sa ilang lugar sa bansa, kaya huwag kalimutang magdala ng payong at kapote!

Ito ang naging babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa weather update nila ngayong araw, May 8.

Ayon sa ahensya, ito ay dahil sa binabantayan nilang Low Pressure Area (LPA) at Easterlies.

“Nagpapaulan pa rin ito sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Hilagang parte ng Mindanao,” sey ni Weather Specialist Benison Estareja sa isang press briefing kaninang umaga.

Baka Bet Mo: Babala ni Barbie sa mga pekeng content: ‘Ingat…pinapayaman niyo lang sila’

Paliwanag pa niya, “Itong Low Pressure Area, hindi pa rin inaasahang magiging isang bagyo at posibleng malusaw sa susunod na 24 oras.”

Ang LPA ay huling namataan sa layong 80 kilometers sa East Northeast ng Cuyo, Palawan.

Sinabi rin ni Estareja na magpapaulan din ang Easterlies sa natitirang bahagi ng ating bansa.

“Nagdadala ito ng mainit na panahon for the rest of Luzon and Mindanao, [pero] mas maraming moisture kaya asahan din po ang mataas na tiyansa ng pag-ulan at mga thunderstorms, lalo na sa dakong hapon hanggang sa gabi,” esplika ng weather forecaster.

Base sa latest weather bulletin ng PAGASA, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.

Dahil naman sa Easterlies, uulanin ang Caraga at Davao Region, pati na rin ang Metro Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending