Sharon Cuneta iyak nang iyak dahil sa mga fake news laban kay Kiko

Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta, Roselle Monteverde at Keith Monteverde
ILANG beses napaiyak si Megastar Sharon Cuneta nang humarap sila ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa members ng entertainment media kahapon, May 6.
Ramdam na ramdam ng mga taong nasa Valencia Events Place sa Quezon City ang sakit na nararamdaman ni Sharon dahil sa ginagawang paninira at pambabastos sa kanyang mister, lalo na sa social media.
Tumatakbo uling senador si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan para sa midterm elections na magaganap na ngayong darating na Lunes, May 12.
Kahapon nga, sabay na humarap sina Mega at Kiko sa presscon na in-organize ng Regal Entertainment producers na sina Roselle Monteverde at Keith Monteverde bilang pagsuporta sa kandidatura ng dating senador.
Simula pa lamang ng Q&A session ay umiyak agad si Sharon habang nagpapasalamat kina Roselle at Keith, pati na rin sa yumaong Regal matriarch na si Mother Lily.
Sey ni Mega, napakalaki ng utang na loob niya kay Mother Lily dahil nu’ng panahong sobrang laki raw niya at walang nagbibigay sa kanya ng acting projects ay nag-offer sa kanya ng pelikula ang Regal.
View this post on Instagram
Bukod dito, lagi rin daw suportado ni Mother Lily ang bawat pagsabak ni Kiko sa politika.
Kasunod nga nito ay lumuluha ring ipinagtanggol ni Sharon ang asawa sa pambabatikos at pangnenega ng ilang grupo at indibidwal dahil sa muli nitong pagsabak sa public service.
Sey ng showbiz icon, ang pinakamatinding kalaban nila ngayon ay ang talamak na pagkalat ng fake news at misinformation sa publiko.
“I never liked politics kasi nga, in the Philippines, pagkaganda-ganda man ng intensyon mo, pagkaayos-ayos man ng puso mo, natatalo ka ng fake news saka budget na bilyon-bilyon ng ibang kandidato na wala naman kami.
“Lahat ng meron kami, pinaghirapan naming dalawa,” ang masamang-masama ang loob na sabi Sharon habang punas nang punas ng luha.
Pagpapatuloy pa niya, “Bakit po ba ayaw n’yong iboto si Kiko? Ano po ‘yung mga doubts ninyo? Kasi lahat ng kasinungalingang nilalabas against him, may resibo kaming katapat.
“Mayroon kaming magpapasawalang-katotohanan du’n sa mga binibintang nila, sa mga paninira nila.
“Siguro, bilang asawa niya at nanay ng mga anak niya, ang pride kasi namin, dahil du’n sa matinong pagkatao namin. Wala namang perpekto, ‘di ba, lalo tayo sa showbiz, Diyos ko po!
“Pero maayos ang pinanggagalingan namin, maayos kaming pinalaki ng mga magulang namin.
“Napaka-blessed ko dahil binigyan ako ng asawang hindi ako sasaktan at magiging mabuting ama. You know, Kiko doesn’t have a lot but everything he has, he gives to us.
“This is also his heart for the country, kasi ‘di naman kami yumaman, eh, sa politika. He served for over two decades. Wala kaming inasenso. Nagtatrabaho pa rin kami.
“At 59, I still work because my husband still works because we think of our children. Everything we have has come from honest hard work,” ang emosyonal pang pahayag ni Sharon.
Anyway, thankful din naman si Kiko na mataas ang resulta ng survey niya at lagi siyang nasa top 12.
Nagpapasalamat din ang mag-asawa sa napakaraming celebrities na boluntaryong sumusuporta sa kandidatura ni Kiko.
Nandiyan sina Vice Ganda, Iza Calzado, Darren Espanto, Enchong Dee, Ogie and Regine Alcasid, Anne Curtis, Janine Gutierrez, Maja Salvador, Jolina Magdangal, Parokya ni Edgar, Robi Domingo, Nadine Lustre, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at marami pang iba.
Samantala, ayon naman kay Roselle Monteverde, noong nabubuhay pa ang kanyang inang si Mother Lily ay talagang todo-suporta na ito lagi sa kandidatura ni Kiko.
“My mom has been an advocate for giving good governance for our country. As children of Mother, we just wanna continue the legacy that she left us because she loves this country a lot.
“Love din niya ang showbiz industry. Love din niya kayong lahat. We’re here to support Kiko because we believe in him,” ang pahayag pa ni Miss Roselle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.