Zsa Zsa napraning sa sunud-sunod na pagkamatay sa showbiz

Zsa Zsa Padilla napraning sa sunud-sunod na pagkamatay sa showbiz

Ervin Santiago - May 06, 2025 - 12:10 AM

Zsa Zsa Padilla napraning sa sunud-sunod na pagkamatay sa showbiz

Zsa Zsa Padilla, Nora Aunor at Pilita Corrales

NAPRANING ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga itinuturing na icon sa mundo ng showbiz.

Ito ang isa sa mga hugot ng award-winning singer-actress sa presscon ng kanyang 42nd anniversary concert na “Zsa Zsa: Through The Years” sa May 17, 2025 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati City.

“Gusto ko talagang i-celebrate yung aking anniversary sa show business. Because very rare naman, di ba, na makaabot ka na medyo active ka pa in show business in 40 years.

“I think every… 50, you know, whatever, it has to be celebrated. Especially now! Yun nga, my last message about Hajji Alejandro was with a heavy heart really that I was writing it.

“Sabi ko, ‘Bakit ganu’n? Parang nagsusunud-sunod naman yung mga performers, mga singers,’ and nakakalungkot talaga.

“Lalo na kay Tita Pilita (Corrales), umiyak talaga ako. Kasi idol ko siya talaga, e! Mga idols ko when I was starting my career, I was looking up to Pilita, Celeste Legaspi, and Kuh Ledesma. Sila yung mga inidolo ko talaga,” pahayag ni Zsa Zsa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tapos when Hajji passed, nag-TNT (Tawag Ng Tanghalan) kami the other day, nakita ko si Nonoy Zuñiga. ‘Noy, healthy ka naman, ha?! Healthy ka, ha?!’

“Tapos nakita ko si Marco Sison, ‘Marco, healthy ka, ha?!’ Ha-hahaha! Natatawa rin sila. ‘Huwag ka nang mapraning!’ Sabi ko, ‘Nakakapraning, e!’ Alam mo na, nagkasunud-sunod naman kasi din,” kuwento ng singer na 60 years old na ngayon.

Patuloy pa niya, “Ayun, lahat ng mga iniidolo natin, si Ate Guy din siyempre. Ang sinulat ko naman sa kanya… kasi, talagang sobrang idolo siya ng aking lola.

“Dati kasi, nu’ng bata ako, sa bahay namin, mas preferred nu’ng tatay ko ang basketball. Siyempre sila ang bida. Iisa lang ang TV set, black and white. Naku, ayoko ng palabas! Hindi ko naman maintindihan itong basketball.

“Aakyat ako sa bahay ng lola ko. We live in a small compound in San Juan. So ayun. Pag-akyat ko, sigurado yun. Superstar (dating musical show ni Nora). Tama? Alam ko pa, e, Sunday, 6 or 7 p.m..

“Hindi ko lang alam kung anong channel dahil iilang channel lang naman noon. Channel 9? RPN-9. Ayan,” aniya pa.

Nag-post din si Zsa Zsa sa social media ng mensahe ng pakikiramay sa pagkamatay ni Ricky Davao last May 1. Hindi pa namamaalam ang aktor nang makapanayam namin si Zsa Zsa.

Samantala, two years ago pa sana ang anniversary concert ni Zsa Zsa para sa kanyang 40th anniversary pero dahil sa  pinagdaanan niyang health issues kaya hindi ito natuloy.

Kaya naman marami na ang excited na mapanood siya sa “Zsa Zsa: Through The Years” sa darating na May 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang musical director ng concert ay si Homer Flores habang ang direktor ay si Rowell Santiago. Available pa rin ang tickets online via TicketWorld.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending