Miles sa 2nd chance nila ni Elijah: Pinili pa rin namin ang isa't isa

Miles sa second chance nila ni Elijah: Pinili pa rin namin ang isa’t isa

Ervin Santiago - May 05, 2025 - 12:20 AM

Miles sa second chance nila ni Elijah: Pinili pa rin namin ang isa't isa

Elijah Canlas at Miles Ocampo

APAT na taon nang magkarelasyon ang celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas at marami ang nagdarasal na sana’y sila na nga hanggang ending.

Nabigyan ng second chance ang love story nina Miles at Elijah. November, 2023 nang mabalitang hiwalay na sila ngunit noong March, 2024 ay kumalat ang balitang nagkabalikan na nga.

After ng ilang buwan, inamin na nga ng magdyowa sa buong universe na mas pinili nilang bigyan ng ikalawang pagkakataon ang isa’t isa.

“Sabi ko nga, hindi naman kami magkakabalikan kung hindi namin nakita yung isa’t isa. Kung hindi namin pinipili at minamahal ang isa’t isa,” pahayag ni Miles nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa contract signing niya bilang talent ng All Access To Artists (Triple A).

Inamin ni Miles na napag-uusapan na rin naman nila ni Elijah ang pagpapakasal pero hindi pa raw ito mangyayari soon.

“Pareho kaming marami pang gustong gawin. Pareho pa kaming marami pang gustong patunayan sa industry. Alam namin na we’ll get there.

“Pero right now, ine-enjoy muna namin ang isa’t isa at trabaho,” pahayag ng “Eat Bulaga” Dabarkads.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aware naman daw si Miles na may ilang  couples na kahit matagal nang magkarelasyon ay hindi pa rin nauuwi sa kasalan. Pero sey ng dalaga, naniniwala pa rin siya sa kahalagahan at epekto ng long-term relationship.

“Nasa sa inyo naman iyan ng partner mo kung pareho niyong pipiliin ang isa’t isa. Di ba, may mga days naman na stressed kayo pareho sa work niyo, pero kung nandiyan kayo for each other, kung pareho niyong pinipili ang isa’t isa,” paliwanag ni Miles.

Samantala, excited na si Miles sa mga susunod na kaganapan sa kanyang career ngayong nasa pangangalaga na siya ng All Access To Artists.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama niya sa Triple A sina Maine Mendoza, Carla Abellana at Marian Rivera na pinamumunuan naman nina Direk Michael Tuviera (president at CEO), Jojo Oconer (CFO at COO), at Jackie Cara (head of Operations and Sales).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending