Jomari inaresto ni Jinggoy noon; Motorsport Carnivale 2025 umarangkada na

Jinggoy Estrada, Jomari Yllana at Rikki Dy-Liacco
TAWA nang tawa ang aktor at public servant na si Jomari Yllana habang ikinukuwento ang naging karanasan niya noon sa pagka-car racing.
Teenager pa lang daw siya ay talagang nahilig na siya car racing, ito raw yung kasagsagan ng career ng grupo nila nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fruoctuso na “Gwapings” noong dekada 90.
.
Hinding-hindi makakalimutan ng aktor nang hulihin daw siya at ilan pang kabataan ng mayor noon ng San Juan na si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa illegal car racing sa Greenhills.
“I started very young, but underground, illegal,” ang pag-alala ni Jomari sa mediacon ng in-organize nilang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 na isang motorsport festival ng kanyang Yllana Racing Team with Okada Manila.
Patuloy na chika ni Jom, “I used to race for bets. I remember, hinuli pa ‘ko ni Mayor Jinggoy nu’n. ‘Yun ‘yung time na ‘yan, ‘yung mga illegal drag racers na nandiyan sa creek side sa Greenhills. Nakapila kami sa presinto.”
Habang nasa loob ng police station ay nilapitan daw siya ni Sen. Jinggoy at tinanong kung siya raw ba ‘yung kagrupo ng anak ni Rudy Fernandez na si Mark Anthony.
Pinakawalan naman daw siya ni Sen. Jinggoy ngunit sinabihang huwag na huwag na siyang sasali sa illegal car racing. Tinadaan niya ang paalala ng dating mayor ng San Juan.
“I went professional na after that. Until I was picked by Toyota Team TOM’S in 1996 to be a professional race car driver. I learned a lot from them. That started my advocacy for road safety and to promote legal racers,” pagbabahagi pa ni Jomari.
View this post on Instagram
Taong 2002 nang pansamantala niyang iwan ang car racing, ito’y matapos manganak ang dati niyang partner na si Aiko Melendez sa anak nilang si Andre.
Pero pagsapit ng 2011, bumalik siya sa pangangarera hanggang sa makipag-compete na rin internationally.
“I launched Yllana Racing Team and we competed in Korea, nakatsamba naman, nanalo. And then, two or three years ago, I tried rally sprint, we became the first diesel-engine powered car that won in a rally.
“And now we’re doing events professionally,” pahayag pa ni Jom sa presscon ng Motorsport Carnivale 2025 na magsisimula na ngayong araw, May 4, sa Okada Manila.
“In partnership with Okada Manila, our major presenter, we’re proud to bring back this celebration of speed, style and Filipino pride.
“We want to rally every racing enthusiast, family, and fan into one inclusive and passionate motorsport community,” sabi ni Jomari.
Magsisimula ito with Super Sprint mula 6 a.m. hanggang 6 p.m., at susundan ng pinakahihintay na Grand Car Meet: Legends of the ’90s sa ganap na 7 p.m.
Racing continues on May 31 with Jom’s Cup, an 1/8-mile drag racing challenge to be held at the Boardwalk and Gardens of Okada Manila.
A special EV car showcase with guest celebrities will be held during intermissions, adding a modern, sustainable twist to the day’s events. Other major motorsport events will be announced soon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.