‘Incognito’ patuloy ang pasabog na mga eksena, casts dadayo sa Tacloban
“ANG sarap pakinggan ng linyahan nila (Maris Racal at Joel Torre) ‘no kasi iba-ibang lengguwahe, hindi boring,” ito ang narinig naming komento ng avid viewer ng Incognito.
Sa episode 68 ng “Incognito” ay may eksenang seryosong nag-usap ang mag-amang Maris/Gab at Joel/Philip sa salitang Ilonggo, English at Tagalog. Ito ‘yung sinabi ng aktres sa mid-presscon ng serye nil ana sobrang kabado siya sa harapan nila ng actor dahil mahaba ang linyahan nila at sinabi nitong inalalayan siya ni Joel.
Ang ganda ng eksenang ipinapaliwanag ni Joel/Philip sa anak na matagal na silang hiwalay ng mama nito at si Emmanuel/Shari na ang mahal niya ngayon pero hindi payag si Maris/Gab at sinabi nitong pera lang ang habol sa tatay niya.
Kaya’t pinamili niya ang ama sa kanila ng stepmom niya at sinagot siya ng hindi nito kayang wala ito kaya’t lalong nagngitngit sag alit si Maris/Gab.
Baka Bet Mo: Hirit ni Anthony Jennings sa ABS-CBN: Sana hindi ako mamatay sa Incognito!
View this post on Instagram
“Normal reaction naman talaga ‘yung ganu’n kasi nga nag-iisang anak tapos may kahati sa pagmamahal ng tatay niya,”sambit ng tagasubaybay ng “Incognito”.
At para makasiguradong loyal ang stepmom sa tatay niya ay pinasusubaybayan ni Maris/Gab ito sa Yoga session niya dahil nabalitaan niyang close sila ng instructor at kinakuntsaba si Anthony Jennings/Thomas na mag-enrol para hanapan ng ebidensiya na may naka-kabit na spy camera sa damit.
Samantala, sa episode 66 ay ipinakita na naman ni Zaijian Jaranilla ang husay niya bilang batang rebelde na nauto at tinakot ng pangkat nina Gardo Versoza at pinangakuan ng power at pera.
Sabi nga ni Zaijian as Emer na kailangan niyang patunayan sa sarili niya na kaya niyang lumaban para ipagtanggol ang ka-grupo kaya kahit na anong pilit ng ate niyang si Anna Luna/Rita na umuwi na sila ay hindi ito pumayag bagkus ay nagalit pa siya sa kapatid, ending namatay naman ang batang rebelde.
Guest stars sina Jameson Blake, CJ Novato at Mary Joy Apostol bilang hikers sa bundok na parang hindi naman naramdaman ang kanilang presensiya dahil sandali lang at walang bigat na ipinakita.
Anyway, sa kasalukuyang umeereng episode ay nasa Japan na ang grupong Incognito para hulihin at ibalik ng buhay sa Pilipinas ang hired killer na si Lance Pimentel bilang si Kenji Lee.
Palaisipan naman kung sino ‘yung kinita ni Ian Veneracion/Greg na Misaki sa episode 73 at nasambit nitong ‘nakauwi’ na siya at ‘maligayang pagbabalik’ naman ang sagot ng huli.
Misteryoso sa lahat ng manonood ng Incognito at maging sa ‘kontraks’ kung sino at ano ang istorya ni Ian/Greg dahil hindi ito nagkukuwento tungkol sa buhay niya maliban na dati siyang military.
Sa nakaraang mid-presscon ay tinanong si Ian tungkol sa karakter niya at inaming hindi rin niya alam dahil hindi pa ini-rfe-reveal sa kanya kung sino siya sa kuwento.
Habang simnusulat namin ang balitang ito ay nakabalik na ng Baguio ang grupo at may mga eksenang kukunan at saka dadayo ng Tacloban City dahil sa isang misyon.
Nang ikuwento ito sa amin na patungo sila ng Tacloban ay nasambit naming bayan ito ng nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada at biro naming na baka makiki-kampanya kaya sina Daniel, Maris, Kaila Estrada, Ian, Anthony at Richard sa party list ng nanay ni DJ?
Abangan ang Incognito sa Kapamilya channel, A2Z, at IWantTFC
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.