Kiko Estrada idol sa aktingan sina Coco, Ruru: 'My inspirations'

Kiko Estrada idol sa aktingan sina Coco, Ruru: They’re my inspirations

Reggee Bonoan - April 30, 2025 - 07:01 PM

Kiko Estrada idol sa aktingan sina Coco, Ruru: They’re my inspirations

“MGA idol ko po ang mga ‘yan sana matuto ako ng mga sikreto nila, I look up to them, they’re my inspirations,” ito ang sagot ni Kiko Estrada nang banggitin ang mga pangalan nina Ruru Madrid at Coco Martin.

Si Coco ang bida sa “FPJ’s Batang Quiapo” na kasalukuyang nangunguna sa ratings game sa primetime at kasalukuyang ipinalalabas din sa TV5.

Samantalang si Ruru naman ang bida sa “Lolong” ng GMA 7 na katapat ng “Batang Quiapo” sa TV5 at Kapamilya Channel.

Baka Bet Mo: Kiko Estrada kinakarir ang training sa boksing para sa ‘Totoy Bato’ remake

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At si Kiko ang bida naman sa primetime ng TV5, ang “Totoy Bato” hango sa obra ni Carlo J. Caparas at sa classic film na pinasikat ni Fernando Poe Jr. na ginawan ng TV adaptation at mapapanood na ito simula sa Mayo 5, 7:15PM pagkatapos ng Frontlime Pilipinas at kapalit ng magtatapos na Lumuhod Ka Sa Lupa na ang actor din ang bida.

Matapos ang matagumpay na isang taong pamamayagpag ng Lumuhod Ka Sa Lupa sa primetime, bibigyang-buhay naman ngayon ni Kiko si Totoy Bato, isang lalaking matatag at hindi matinag sa kanyang paninindigan. Sa maliit na bayan ng Pook Paraiso umiikot ang kwento ni Totoy Bato, isang matapang na tagapagtanggol ng kanyang komunidad – hindi sa pamamagitan ng mga sandata, kundi gamit ang kanyang makapangyarihang kamao. Sa kanyang pakikipaglaban, haharapin ni Totoy ang mga pagsubok na magtutulak sa kanyang harapin ang sarili niyang mga kahinaan.

Makakasama sa powerhouse cast ng Totoy Bato sina Bea Binene bilang si Emerald Espejo, ang kababata ni Totoy na may lihim na buhay bilang isang agent, at Diego Loyzaga bilang si Dwayne Perez, isa pang kababata na naging mortal na kaaway. Tampok din sa serye ang hanay ng mga tanyag na beteranong artista tulad nina Art Acuña, Nonie Buencamino, Mon Confiado, Mark Anthony Fernandez, at Ms. Eula Valdez. May mga espesyal na pagganap din sina Joko Diaz, Tanya Garcia, Carlene Aguilar, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco. Sina Cindy Miranda, Gold Aceron, Ivan Padilla, Andrew Muhlach, Billy Villeta, Benz Sangalang, at Lester Llansang naman ang ku-kumpleto sa cast sa kanilang pagganap sa kanilang mga natatanging karakter.

Si Albert Langitan ang director na ring director ng LUmuhod ka sa Lupa mula sa produksyon ng MavenPro, Sari Sari Network Inc., at Studio Viva.

Samantala, dapat pala ay kasama si Gary Estrada sa Totoy Bato pero biglang nag-back out sabi ng anak nitong si Kiko.

“Funny fact dapat kasama si Papa (Gary) dito sayang…” kaswal na sambit ng actor.

Nabanggit na baka may contract obligation si Gary sa ibang network kaya hindi siya natuloy sa TV5 na produced ng Viva, Sari-Sari at Media Quest.

“I don’t know, I wish him well. Sana nagsama kami..I guess God said that, ‘this is not destiny yet,” sabi pjj ni Kiko.

Nabanggit pa ng binate na sa loob ng 31 years ay kasama niyang lumaki ang nanay niyang si Cheska Diaz, tiyuhing si Joko Diaz at ang lolo’t lol ana sina Paquito Diaz at Nega Gutierrez Diaz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sa isang panahon ay tumira si Kiko kasama ang pinsang buong si Rob Gomez sa farm ng tatay niyang si Gary sa San Antonio, Quezon.

Aniya, “parang sinabi na 31 years ng buhay mo na lumaki ka sa nanay mot apos two months na you stayed there (farm ng ama). How do you compared that di ba? Pero siyempre I love my dad, I wish him the best pero sana kasama siya rito (Totoy Bato), I guess he choses the option, puwede naman sigurong ipakiusap (sabay kibit ng balikat ni Kiko.”

Sa kasalukuyan ay walang komunikasyon ang mag-amang Gary at Kiko, pero laging sinasabi ng huli na mahal niya ang tatay niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending