P100 o P200 dagdag-sahod ibigay na sa mga manggagawa – Zubiri

Sen. Migz Zubiri
PAGBIBIGAY ng katarungan sa mga manggagawa ang pagtaas ng kanilang sahod.
Ito ang sinabi ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri isang araw bago ang paggunita sa bansa ng Labor Day o Araw ng Paggawa.
Ayon kay Zubiri, inaprubahan na sa Senado ang P100 across-the-board wage hike, samantalang may panukala naman sa Kamara na P200 pagtaas sa sahod ng mga manggagawa.
Baka Bet Mo: Cayetano, Zubiri nagsigawan, muntikang magsuntukan sa Senado, anyare?
View this post on Instagram
Sinabi nito na nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad ng Pilipinas ang sakripisyo at pagpupirsige ng mga ordinaryong manggagawa.
“Sa bawat pawis, sa bawat pagod, nakatindig ang ating bayan. Hindi natin dapat ipagkait sa kanila ang ginhawa at dignidad na matagal na nilang ipinaglalaban,” sabi ng senador.
Dagdag pa ni Zubiri patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin kayat makatarungan lamang para sa mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod.
“Ang dagdag sahod ay hindi regalo. Isa itong karapatan na dapat igalang at ipaglaban,” dagdag pa nito.
Aniya patuloy din niyang ipaglalaban ang maayos na kondisyon sa trabaho at pagkakaroon ng oportunidad para sa magandang kinabukasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.