Janine Gutierrez ibinandera na rin ang pagsuporta kay Bam Aquino

Janine Gutierrez ibinandera na rin ang pagsuporta kay Bam Aquino

Ervin Santiago - April 30, 2025 - 01:00 AM

Janine Gutierrez ibinandera na rin ang pagsuporta kay Bam Aquino

Anne Curtis, Bam Aquino at Janine Gutierrez

ISA pang “dyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagtakbong senador ni dating Sen. at independent candidate Bam Aquino.

Gaya ng kanyang kapwa “dyosa” na si Anne Curtis, kabilang na rin si Janine Gutierrez sa mga nagsusulong sa kandidatura ni Bam.

Nag-share si Janine sa kanyang Instagram Story ng isang video ng isang ina na nagpapasalamat kay Sen. Bam para sa pagpasa ng Free College Law.

Sa naturang video, isang ina ang nagpa-thank you kay Bam sa isinulong nitong batas na nakatulong sa kanyang anak na makapagtapos ng nursing mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU).

“Nagpapasalamat po ako kay Senator Bam Aquino. Dahil po sa kanya, nakatapos po ang anak ko ng nursing,” sabi ng nanay kay Bam nang bumisita ang senador sa Balanga Public Market sa Balanga, Bataan.

Tulad ni Anne, tinagurian ding “dyosa” si Janine ng kanyang fans at entertainment writers dahil sa kanyang pak na pak na pictorials.

Matagal nang nagpapahayag ng suporta si Anne para kay Bam sa kanyang social media accounts.

Nag-repost ang aktres ng panawagan ni Bam sa mga botante sa X (dating Twitter) at dinagdag ang caption na “Number 5” — na siyang numero ni Bam sa balota.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, nagkita sina Anne at Bam sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kung saan personal na nakausap ng aktres ang senador.

Nagpa-picture si Anne kay Bam at nag-flash ng No. 5 sign para gawing mas matindi o mas malakas ang kanyang endorsement. Sa caption ng photo, nilagay ni Anne, “Bumped into someone I am voting for!”

Nasa Top 12 na si Bam sa mga survey ng Pulse Asia, WR Numero, at OCTA Research.

Nakakuha si Bam ng 28.6 percent rating sa Pulse Asia survey; mula sa ika-15 hanggang ika-17 sa ranking noong Pebrero, tumalon na siya sa spot sa Magic 12.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pang-12 din siya sa pinakahuling WR Numero survey kung saan nakamit niya ang 26.4 rating.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending