Claudine kay Raymart: Kapag hindi ka pa tumigil ilalabas ko na lahat ng baho mo!


TILA naghahamon na naman ng away si Claudine Barretto! Muling naglabas ng kanyang emosyon ang aktres laban sa nakahiwalay niyang asawang si Raymart Santiago.

Sa Twitter account idinaan ni Claudine ang kanyang galit sa dating mister at kung noon ay hindi niya binabanggit ang pangalan ng Kapuso actor, ngayon ay diretsahan na niya itong pinangalanan.

Napakatapang ng mga pinakawalang pahayag ni Claudine, tinawag niya si Raymart ng “loser” at inakusahang nambubugbog ng asawa. Hindi na  nakayanan ni Claudine ang panghaharas daw  ng ex-husband gamit pa ang pera niya.

“Raymart Santiago you are such a LOSER! Go ahead & Spend all MY MONEY in Supportng r Helpers to harass me!” unang pasabog na tweet ni Claudine.

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang dati niyang alalay na nagsampa ng kasong theft laban sa kanya. Sey ng aktres, ginagamit lang ni Raymart ang alalay niya para gantihan siya.

Kasabay nito nadawit din si Gretchen Barretto sa isyu na diumano’y nakikipagkuntsaba pa kay Raymart para idiin si Claudine sa kasong theft.

Pagpapatuloy pa ni Claudine sa kanyang Twitter, “If you do not Stop Spreading Lies about me i will Start telling d TRUTH abt u! u make me Sick conspiring wid my family & employees.

U will not And cannot lay your hands on me anymore. WIFE BEATER!” Kung matatandaan, nagsampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act ang aktres laban kay Raymart noong Aug. 29, 2013, sa Marikina Regional Trial Court at hanggang ngayon ay dinidingi pa rin ito.

Sa huling panayam namin kay Raymart, sinabi nitong ayaw na niyang patulan ang mga pasaring ni Claudine laban sa kanya, sa korte na lang siya magsasalita at doon na lang din niya ilalabas ang lahat ng kanyang ebidensiya laban sa dating asawa.

( Photo credit to Google )

Read more...