LIST: 3 bagong horror films na mananakot, magpapasigaw sa 2025

LIST: 3 bagong horror films na mananakot, magpapasigaw ngayong 2025

Pauline del Rosario - April 26, 2025 - 03:43 PM

LIST: 3 bagong horror films na mananakot, magpapasigaw ngayong 2025

MAGHANDA na sa panibagong round ng sigawan at takbuhan!

Tatlong nagbabagang horror films kasi ang paparating na sa big screen.

Mula sa mga kilalang direktor at producers sa mundo ng kilabot, heto na ang mga pelikulang siguradong papasok sa listahan mo ng katatakutan:

Weapons

LIST: 3 bagong horror films na mananakot, magpapasigaw ngayong 2025

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

Ika nga sa teaser, “This is where the story really starts.”

Mula sa direksyon ni Zach Cregger, mukhang ibang level ang takot sa “Weapons” na ipapalabas sa Agosto.

Baka Bet Mo: Jackie Chan walang kupas sa edad 70, action star pa rin sa ‘Karate Kid: Legends’

Mapapanood sa pasilip na misteryosong nawala ang lahat ng estudyante sa isang klase…maliban sa isa. 

Mula sa malikot na imahinasyon ng direktor ng “Barbarian,” ang upcoming film ay hindi lang basta horror kundi isang madilim at nakakabalisang misteryo na siguradong magpapa-hawak ka sa upuan mo habang iniisip ung ano ang nangyari.

Bida riyan sina Josh Brolin, Julia Garner, Alden Ehrenreich, Benedict Wong, at marami pang iba.

Him

LIST: 3 bagong horror films na mananakot, magpapasigaw ngayong 2025

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

Greatness demands sacrifice, pero hanggang saan ang kaya mong ibigay? 

‘Yan ang peg ng pelikulang “HIM” na showing sa mga lokal na sinehan sa darating na September 17.

Tungkol ito sa isang promising football player na inimbitahan sa isang isolated training camp para sa legendary quarterback.

Pero teka, training lang ba talaga ang pakay dito? O may mas madilim na ritwal na nagaganap?

Isa itong mind-bending thriller na perfect para sa fans ng “Get Out” at “Nope.”

Mula ito sa direksyon ni Jordan Peele at pinagbibidahan nina Marlon Wayans, Tyriq Withers, Julia Fox, Jim Jefferies.

I Know What You Did Last Summer

LIST: 3 bagong horror films na mananakot, magpapasigaw ngayong 2025

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

May bagong sequel ang pelikulang “I Know What You Did Last Summer” at muli itong pagbibidahan nina Jennifer Love Hewitt at Freddie Prinze Jr.

Mapapanood sa trailer na may bagong wave ng mga misteryosong pagpatay sa Southport kaya kinailangan muling harapin nina Julie at Ray ang mga demonyo ng nakaraan.

Kasama nila riyan ang isang bagong henerasyon ng teens na may lihim ding tinatago. 

Wala pang petsa kung kailan ito ipapaplabas, pero very soon na raw itong babandera sa sinehan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending