Hajji Alejandro pumanaw na matapos makipaglaban sa stage 4 colon cancer
HINDI pa man naililibing ang Superstar na si Nora Aunor, sumakabilang-buhay na rin ang isa pang OPM icon na si Hajji Alejandro. Siya ay 70 years old.
Kinumpirma ni Girlie Rodis, talent manager ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro ang malungkot na balita
hinggil sa pagyao ng veteran singer at tinaguriang Original Kilabot ng Kolehiyala.
“It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajji’ T. Alejandro. At this time, we kindly ask for privacy as our family grieves thris tremendous loss.
“We appreciate your understanding and support during this difficult time,” ang nakasaad sa officiial statement.
Napuno rin ng mensahe ng pakikiramay ang isang Facebook post ng anak ni Hajji na si Barni Alejandro. “Heartfelt condolences Barni Alejandro, such a great loss,” ang isa sa comment sa FB post ng anak ni Hajji na sinagot naman nito ng, “Thank you.”
Sa isang hiwalay naman niyang post mababasa ang mensaheng, “I can’t fathom a life without you. My heart is broken into a million pieces. You were my first love, my hero, my idol. Forever, your Yabs!”
Kalakip nito ang isang video clip kung saan kinanta niya ang isa sa mga pinasikat na kanta ng kanyang ama na “Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa ‘Yo.”
Bago ang kanyang pagpanaw, ibinalita ng partner ni Hajji na si Alynna Velasquez na diagnose nga ang OPM legend ng stage 4 colon cancer.
Ni-reveal ni Alynna, na isa ring singer, ang tunay na health condition ni Hajji at ang pinagdaanan nitong challenges sa pagharap sa kanyang karamdaman.
Nakapanayam ng broadcast journalist na si Julius Babao (sa kanyang YouTube channel) si Alynna at inalala nga niya ang araw nang isugod nila sa ospital si Hajji.
“It was an ordinary day, and he had a show. He had become bloated, and he could not breathe, eat, or do anything.
“Sabi ko pa-check up. Si Hajji kasi he’s the one who would not. Kaya lang wala ng choice. So when he had a CT scan, nalaman na.
“Pinabasa n’ya. It’s all there. When he heard it from the doctor, he said that he needed an operation like ASAP,” kuwento niya.
Patuloy pa niya, “Stage 4 colon cancer. After the operations, nagkaroon siya ng seizure because he got infected.
“He was rushed to the ICU and it took a while kasi hindi alam kung saan nanggagaling yung infection. Somewhere else. Finally nalaman na nila. After a week tinanggal na yung respirator nila. Then he began to talk,” pagbabalik-tanaw ng singer.
“Then I prayed sabi ko, Lord sana sa. birthday ko nasa regular room na siya. And my prayer was answered. Now, he’s undergoing therapy. Today, he’s home.
“Ang ganda na ng memory niya. Kuwento siya ng kwento ng mga things we don’t remember anymore. Ang ganda ng boses niya.
“I want to thank all his doctors for taking care of his vocal cords noong na intubate siya. Madalas yung mga na-intubate yung mga vocal chords nila, nasisira na yun eh. But they really took care of him sa Medical City.
“I spoke to God. Sabi ko, Lord, please save Hajji now. Please, I want to take him home, Lord. Tapos bumubuti siya,” pagbabahagi pa ni Alynna.
Inamin din niya na hindi raw nagustuhan ng pamilya ni Hajji ang pagpo-post niya ng viral video ng OPM icon habang nasa ospital.
“The family wanted it private, but I had to tell his friends when he became critical. Pero good intention na naman yung ginawa ng best friend niya to tell the San Beda group. I was blamed.
“I took the video, and it went viral. Tulog lang si Hajji noon hindi sya critical nun. He was resting. Because of your prayers, okay na s’ya. I think he will be able to sing again,” sey ni Alynna.
Matatandaang nitong nagdaang February, humiling ng dasal ang ilang celebrities para sa paggaling ni Hajji nang maospital at ma-intubate.
Si Hajji Alejandro ay isang kilalang mang-aawit at aktor sa Pilipinas. Nakikilala siya sa kanyang malalim at makahulugang boses at madalas na tinutukoy bilang “Hari ng mga Awiting Bisaya” o “The Voice of Soul.”
Ang kanyang musika ay madalas na tumatalakay sa mga tema ng pag-ibig, buhay, at mga isyung panlipunan, na nagbibigay inspirasyon sa mga tagapakinig sa iba’t ibang henerasyon.
Isa sa mga pinasikat niyang kanta ay ang “Kay Ganda ng Ating Musika”, composed by Ryan Cayabyab na nanalong Grand Prize sa 1st Metro Manila Popular Music Festival at Seoul Song Festival
Ang iba pa niyang hit songs ay ang “Nakapagtataka”, “Panakip Butas”, “May Minamahal”, “Tag-Araw, Tag-Ulan” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.