Baby pinugutan ni daddy


WALA nang buhay nang matagpuan ang isang bagong-panganak na sanggol matapos umanong pugutan ng sarili niyang ama sa kanilang bahay sa Pakil, Laguna, kamakalawa.

Natagpuan na lang ni Jovel Versoza ang kanyang 8-araw na anak na walang buhay alas-10, ayon kay Senior Supt. Pascual Munoz, direktor ng Laguna provincial police.

Nang matunugan ang insidente ay agad nagtungo sa pinangyarihan sa Brgy. Taft ang mga elemento ng lokal na pulisya.

Sinabi ni Versoza sa mga pulis na noong umaga’y inutusan siya ng live-in partner na si Vicente Abogne na umalis ng bahay at maglaba ng damit sa ilog.

Gayunpaman, pag-uwi ng babae alas-10 ay nakita na lang nitong patay ang supling, na pinugutan ni Abogne sa pamamagitan umano ng kitchen knife.

Nadakip ang suspek sa follow-up operation ng mga awtoridad at narekober ang 10-pulgadang kutsilyo na sinasabing ginamit nito sa pagpatay sa anak.

Read more...