Semana Santa 2025: Ai-Ai 1st time sumabak sa ‘pilgrimage’

Semana Santa 2025: Ai-Ai delas Alas 1st time maki-join sa ‘pilgrimage’

Pauline del Rosario - April 18, 2025 - 10:44 AM

Semana Santa 2025: Ai-Ai delas Alas 1st time sumabak sa ‘pilgrimage’

PHOTO: Facebook/AiAi Delas Alas

HINDI pa huli ang lahat para magsimula ng bagong kabanata, lalo na ngayong Semana Santa!

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas ang kanyang makabuluhang karanasan sa kanyang kauna-unahang pilgrimage.

Makikita sa video post na nakasakay ang aktres sa isang bus patungong Diocese of Novaliches.

Hindi siya artista sa sandaling iyon, kundi isang debotong Katoliko na handang magnilay at makiisa sa pananampalataya.

Baka Bet Mo: Semana Santa 2025: Alamin ang mga tradisyong Pinoy, bakasyon ba o pagninilay?

“With hearts full of gratitude and faith, we are on our journey today on a pilgrimage to celebrate the Jubilee Anniversary of the Catholic Church — a sacred walk of love, reflection, and renewal,” sey ni Ai-Ai sa caption ng kanyang post.

Ang sabi pa niya sa video, “Parang patanda na ng patanda ang mga event ko.”

“Season of Lent, lahat po tayo ay mag-ika sa ating mga kasalanan,” dagdag niya.

Chika pa ni Ai-Ai, “First time ko pong sasama sa pilgrimage bilang isang normal na mamamayan. Kakatuwa nga nakasakay kami sa bus at napakadami namin. Six buses kami. To God be the glory.”

Ang nasabing pilgrimage ay tila naging pagkakataon na rin para sa komedyana na pagnilayan ang mga pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay. 

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma niya ang kanilang hiwalayan ng estranged husband na si Gerald Sibayan, at ang pagbawi niya sa green card petition nito nitong Marso.

Sa isang post kamakailan lang, nagpasalamat si Ai-Ai sa Diyos sa paggabay sa kanya sa gitna ng matinding emosyonal na pagsubok.

“Through the darkest moments, when I felt abandoned and alone, God has been my constant source of strength and comfort. His grace has helped me cope with the pain, giving me the courage to keep going, one day at a time,” lahad niya.

Wika pa niya, “Thank you, Lord, for never leaving my side.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod niyan, nitong Abril ay ipinagdiwang ni Ai-Ai ang kanyang “me-versary” na naging hudyat niya sa pagmo-move on at pasisimula ng kanyang self-love journey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending