Fashionista mom pak na pak na rumampa sa graduation ng anak, viral
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang fashionista mom na pakak na pakak ang naging awra sa graduation mg kanyang anak.
Sa video na ibinahagi niya sa kanyang Facebook page noong Lunes, April 14, makikitang nakasuot si Bernadeth Cutas ng halter neck white dress na talaga namang umagaw sa atensyon ng netizens.
Agad namang nag-viral ang video ng fashionista mom na umani ng samu’t reaksyon mula sa madlang pipol.
May mga nagsasabing super OA niya at tila hindi akma ang kanyang kasuotan sa seremonya.
Baka Bet Mo: CBCP nagpaalala sa publiko, viral na pari binigyan ng ‘benefit of the doubt’
May iba naman na suportado ang fashionista mom at sinabing go lang at magpaka-slay sa mahalagang araw ng anak na may natanggap na award.
View this post on Instagram
Marami namang mga vloggers at kilalang personalidad ang nag-reach out kay Bernadeth para mag-sponsor ng gown.
Ilan sa mga ito ay sina Dr. Carl Balita at Jojo Bragais.
Labis naman ang pasasalamat ng viral fashionista mom sa mga nagpakita ng suporta sa kanya.
Maging ang mga bashers ay pinasalamatan rin niya dahil malaki ang naging ambag nito sa pagkaka-viral niya.
Naglabas rin siya ng isa pang video upang ipaliwanag ang kwento sa likod ng kanyang viral OOTD.
“Hindi ko po talaga akalaing mag-viral ‘yong video. Tungkol po sa suot kong damit, confident ko pong pinili ‘yon kasi mabilis lang po siya ibaba at may anak pa po akong dumedede,” lahad ng fashionista mom.
Dagdag pa niya, “Nag-effort po akong mag-prepare dahil proud po akong samahan ang anak ko —may award po sila.”
Chika ni Bernadeth, wala naman siyang ginawang masama at walang mali sa damit na kanyang napili.
Hiling naman niya na sana ay matulungan siyang makabili ng cellphone dahil apat silang naghihiraman sa iisang phone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.