Pakakasalan ba? (2) | Bandera

Pakakasalan ba? (2)

Joseph Greenfield - November 22, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Prolema:  
1      Sa Pasko ay apat na taon na kaming nagsasama ng lalaking minahal ko nang higit pa sa buhay ko.   Tatlo na ang anak namin kaya madalas ko na siyang tanungin ngayon kung kailan ba ang kasal namin.
2. Ang sagot niya ay wala pa siyang plano.  Ayaw kong lumaki ang mga bata o madagdagan pa ang mga ito nang di kami kasal.  Pakakasalan ba niya ako?  Matagal ko nang pangaral na lumakad na suot ang trahe de boda sa simbahan.  December 3, 1985 ang birthday ko at August 1, 1981 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang lalaking iyong kinakasama ay nagsasabing compatible at tugma nga kayong dalawa. Maaaring ang kinaiinipan mong kasalan ay maganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa susunod na taon.
Numerology:
Ang birth dates ninyo ay nagsasabing bukod sa tugma kayo sa Astrology, tugma rin kayo sa Numerology, dahil ang 12 ay 15 ay kapwa divisible by 3. Ibig sabihin, compatible na compatible nga kayo. Kaya naman sa taon 2014, tulad ng nasabi na, ay matutupad ang pangarap mong kasal.
Luscher Color Test:
Sa araw ng kasal, ang mapalad na motif ay red o violet. Sa nasabing mga kulay ay tuluy-tuloy na pagpapalain at susuwertehin ang inyong samahan.
Huling payo at paalala:
Chaz, mapalad ka, dahil tiyak na ang magaganap. Kapag sinabihan mong muli ang inyong ka-live tungkol sa gusto mo na ng kasal, kusa niyang tutuparin ang iyong kagustuhan. Pagsapit ng 2014, magiging abala na kayo kapwa sa paghahanda sa araw ng inyong kasal na nakatakda namang maganap sa July.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending