Malacañang sa viral ‘bleeding gum’ ni PBBM: Nothing to worry

Malacañang sa viral 'bleeding gum' ni PBBM: Nothing to worry

WALANG dapat ikabahala ang publiko hinggil sa kumakalat na “bleeding gum” video ni Pangulong Bongbong Marcos ayon sa Malacañang.

Matatandaang viral ngayon sa social media ang video ng pagtatalumpati ng presidente sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kung saan kapansin-pansin ang dugo sa kanyang mga ngipin.

Baka Bet Mo: Labi, gilagid ni Pangulong Bongbong nagdugo habang nagtatalumpati?

Sa ipinadalang mensahe ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa GMA News Online nitong Huwebes, April 10, sinabi niyang maayos naman ang kalusugan ng ating pangulo.

“Nothing to worry po… Kaka-meeting lang po namin kaninang umaga… Wala naman po akong nakikitang hindi maayos ang kalusugan niya [Pangulong Bongbong],” lahad ni Castro.

 

Bukod rito, nagbabala rin si Castro sa isang press briefing na huwag magpakalat ng fake news tungkol sa kalusugan ni Pangulong Bongbong.

“Huwag niyo pong gawan ng kuwento ang Pangulo patungkol sa kaniyang kalusugan. Hindi po iyan maganda para sa ating bansa. Dapat po ipagdasal pa po natin na maging maganda ang kalusugan ng mga namumuno sa atin.

“Dahil kung hindi po maganda ang kalusugan ng Pangulo, malamang ay hindi na po siya nakakaganap ng kaniyang mga tungkulin sa araw-araw,” dagdag pa ni Castro.

Sinisiguro rin ng Malacañang na maayos na nagagampanan ni PBBM ang kanyang responsibilidad bilang pangulo.

“Mapapansin niyo po, siguro po kahit yung mga media, halos araw-araw naman po ay nakikita ninyo ang Pangulo sa kaniyang mga activities at sa kaniyang pagsama dito sa Alyansa. Maliban diyan ay meron pa rin po siyang mga meeting kasama po kami,” sabi pa ni Castro.

Read more...