ITINIGIL na ni Angelica Panganiban ang pag-pose ng sexy sa cover ng men’s magazine. Feeling niya graduate na siya sa ganu’ng level. Kaya pati raw ang pagiging endorser ng isang brand ng underwear ay inayawan na niya.
“Hindi ko siya kayang gawin. Uhm, feeling ko darating ka talaga sa point na, okey na. Kasi hindi rin naman ako ganoon kakomportable magpaseksi. Syempre ginawa ko lang ‘yun sa Maxim (mgazine) siguro childstar ako (dati) at kailangang makita ng mga tao ang change, na dalaga na siya. So, nu’ng na-prove ko ‘yun, hindi ko na kailangang i-push pa. Okey na,” esplika ni Angelica sa launch ng bago niyang endorsement na imported light brandy na Excelente.
Hindi tulad ng ibang brand ng inuming pang-lalaki, wala raw calendar ang Excelente na usually, e, nakasuot ng two piece ang celebrity na nage-endorse.
“Kasi ako, syempre ingat akong kumuha lalo na kapag alak ang ie-endorse mo dahil ayaw mong…iba kasi ang take lalo na sa bansa natin medyo conservative pa ‘yung mga tao. So, naging malinaw naman nu’ng tinanggap ko siya kung paano ba siya iki-cater sa mga tao, paano bang approach. So, noong nalaman ko naman na barkada, masaya lang tulad noong commercial, so, oo na,” pahayag niya.
Pero sa movies, tuloy daw ang pagsusuot niya ng two-piece, “Iba naman kasi sa pelikula. Iba naman ‘yung maturity na ipapakita mo sa movies. I think kapag ang-decide ka na tumigil ka sa pagpapakita ng katawan mo sa endorsements, I think mas mature ‘yun.”
Wala raw kinalaman ang present boyfriend niya ngayon na si John Lloyd Cruz sa desisyon niya.
”
Noon pa sinabi ko na ‘yun. Nag-Maxim ako, nag-FHM. Nag-declare ako sa FHM na last na ‘yun. Actually, kahit ‘yung FHM grabe ang pilit nila. Kasi ‘yung Maxim, ang tingin ko noon, eto na ‘yun, first and last.”
Tinanong namin si Angelica kung ipapa-try ba niya kay John Lloyd ang brandy na ine-endorse niya, “Kapag gusto niya,” kasunod ang tawa ng aktres.
Kaya lang daw medyo “nag-lie low” na raw si John Lloyd sa pag-inom, “Ah, hindi ngayon din kasi siguro dahil sa age parang…ha-hahaha! Hindi talaga. Noong nag-30 siya meron talaga siyang, hindi lang naman niya sa akin sinasabi ‘yun kundi pati sa pamilya niya, gusto niya magkaroon ng healthy lifestyle. Kaya ngayon mahilig na siyang mag-bike. Tapos tumatakbo siya kapag may chance.”
Pero hindi naman niya sinasabi na hindi na umiinom ngayon ang aktor, “Kumbaga, moderate na lang. Na-realize niya na hindi rin maganda ‘yung matsismis siya na ganito, ganyan. So ngayon, okey-okey din naman.”
Syempre, natuwa si Angelica sa pagbabago ng lifestyle ng BF niya, “Oo naman, kasi malaking bagay ‘yun na nakikita mo na, ‘Ay, mahal nito ang sarili niya,’ ganyan.”
Aware naman si Angelica sa usap-usapan na magkasundo raw sila ni John Lloyd lalo na pagdating sa pag-inom ng alak, “E, ‘yung iba naman kasi, kasi para sa akin, isang artista halimbawa, sobrang husay na artista. For example si Johnny Depp, sabihin natin drug addict si Johnny Depp pero nagpe-perform siya na sobrang galing.
“Hindi siya napapabalitang hindi sumisipot ng trabaho. Hindi siya napaabalitang pinapabayaan niya ang trabaho niya, ‘yung pamilya niya. Wala siyang naagrabyadong tao, professional siya. So, para sa akin, ‘O, ‘di sige, maging addict ka. At least ginagawa mo ‘yung trabaho mo, ‘yung part mo bilang isang professional na tao.”
Dugtong pa niya. “So, sa akin kasi kung ganoon ang sasabihin nila na, ‘Ay, malakas uminom,’ o, e, ano naman? Di ba? Sabihin nila na mataray ako? E, bakit? I mean, ginagawa ko (naman) ang trabaho ko. Nasa trabaho ako, nagpe-perform ako ng maayos.
Binibigay ko ‘yung best ko. At kapag gusto kong mag-enjoy, mage-enjoy ako. Kapag gusto kong mag-celebrate, magse-celebrate ako. Kasi I’m sure ganoon lang din naman ‘di ba?”
Masyado lang na ma-magnify ang pag-inom nila dahil artista sila.
Last Nov. 4 ang birthday ni Angelica Panganiban. Wala raw malaking party at sa bahay lang siya nag-celebrate with her friends. Inimbita niya ang Banana Split cast at si Bea Alonzo.
Pero nu’ng una ay hirap siyang magdesisyon kung magse-celebrate siya this year or not. Sey ng mga kaibigan niya mag-celebrate siya dahil naging maganda ang taon para sa kanya. Nu’ng inisip naman niya kung anu-ano ‘yun, mas nangibabaw ang trahedyang inabot nila sa Bohol at ang pagkamatay ng mommy niya noong May.
“Kaya sabi ko, parang ayokong mag-celebrate. Parang, ‘di ba sabi nila laging tatlo ‘yan. Sabi ko, ano maghihintay pa ba ako ng pangatlo? So, parang, sabi ko, e, ‘yung pagkakaligtas namin sa Bohol, kumbaga tiningnan ko siya in a positive way. Kumbaga, binaligtad ko ‘yung pangit kong pag-iisip noong mga oras na ‘yun. Sabi ko, second life ko ‘to. So, magse-celebrate ako.”
Nu’ng tumatakbo raw siya nu’ng lindol sa Bohol at hinahampas ng tubig sa likod niya, naisip niya na ayaw pa niyang mamatay.
But instead na mag-flashback ang buhay niya sa sobrang takot, parang nag-fast forward siya.
“Inimadyin ko na lang ang magiging itsura ng anak ko. Basta inisip ko na lang, ‘Ay, masaya. May pamilya na ako,’ ganyan,” kwento niya.
Inamin ni Angelica na gusto na niyang mag-asawa, “Hindi ngayon. Baka next year. Ha-hahaha!”
Kapag nag-propose sa kanya si John Lloyd, tiyak na sasagutin daw niya agad. Sabi pa niya, “Noong bagets ako sabi ko gusto ko kapag 28 na ako may asawa na ako para pagdating ko ng 30 magkaanak na. E, 27 na ako ngayon. Kung wala, e, ‘di hintay ako next year hanggang 29. Kapag wala pa rin, 30. Tapos kapag 31, hihiwalayan ko na, ‘Ano ba?’ Ha-hahaha! ‘Maghahanap na ako ng ibang pakakasalan ko!'”