Cristine sa pagse-sex nila ni Gabby: Yung totoo, hindi ako nasarapan!

CRISTINE REYES AT GABBY CONCEPCION

Nagbago na nga si Cristine Reyes dahil hindi na siya pasaway sa mga katrabaho niya at masasabing propesyunal na rin siya dahil maski nailang siyang gawin ang siyam na love scenes nila ni Gabby Concepcion sa pelikulang “When The Love Is Gone” ng Viva Films ay ginawa pa rin niya ito nang walang kaarte-arte.

Nabanggit kasi ni Gabby sa unang presscon ng “When The Love Is Gone” na lalaki lang siya at normal na may maramdaman siya sa mga maiinit na eksena nila ng aktres at mabuti na lang daw, one size smaller ang suot niyang underwear dahil baka nga naman may “magalit”.

Si AA ba ay nadala rin sa mga eksena nila ni Gabby? “Ako, kung nasarapan? Hindi talaga kasi ‘yung ganu’ng eksena medyo uncomfortable ako,” say sa amin.

Kaya’t ang balik-tanong namin ay paano niya naibibigay ang tamang pag-arte na hinihingi ng director, “Tinatanong din sa akin ‘yan ng pamilya ko, like sabi nila, ‘E paano ‘yun pag ginagawa mo na ‘yun?’ Sabi ko, wala, e, kailangan kong gawin, trabaho ko ‘yun, e, so pipikit na lang iisipin ko ‘yung character ko.

“Nailang ako, sobra, nakakailang siya, maski nga kausap ko lang, naiilang na ako, what more pa ‘yun (love scenes),” kuwento ng dalaga.

Nu’ng si Derek Ramsay daw ang kaeksena niya sa pelikulang “No Other Woman” ay aminadong na-develop ang pagkakaroon niya crush ng sa aktor, “Hindi ko pa siya crush noon, na-develop lang, during that time (love scenes), parang walang ilangan, kasi maharot ‘yung lalaking ‘yun, everytime na may eksena kami, hindi puwedeng hindi kami mag-aasaran.

“So kumportable na kaagad, na different naman kay Gabby, kasi si Gabby is Gabby Concepcion na kapag nakikita ko siya minsan, ang hirap isipin na siya ‘yung lover ko na mahal na mahal ko.

“So, hindi ako nahirapan kay Derek, mas nahirapan ako kay Gabby, kasi ano, Gabby Concepcion, di ba?” paliwanag mabuti ni Cristine.

Inamin ni AA na masarap humalik si Gabby, “Yeah, pero hindi ko maramdaman ‘yung lips niya sa sobrang nipis.”

Samantala, magkakaroon din ng international screening ang “When The Love Is Gone” simula sa Dis. 6 at magkakaroon naman ng premiere night sa Nob. 26 sa Greenbelt at SM Megamall. Kasama rin dito sina Alice Dixson, Jake Cuenca at Andi Egenmann

 

Read more...