DIRETSAHANG ibinahagi ng award-winning director na si Joel Lamangan kung ano ang mga kinaiiritahan niya sa mga artista.
Sa kanyang naging panayam sa “The Men’s Room” hosted by Stanley Chi at Janno Gibbs, natanong siya tungkol sa kanyang pagiging terror na direktor.
Lahad ni Direk Joel, “Mula nang inatake ako sa puso, nag-mellow down na ako. Gusto ko pang mabuhay.
“[I’m still strict] especially when it comes to time. I don’t want people coming in very late. I can only wait for 15 minutes.”
Baka Bet Mo: Joel Lamangan nag-react nga ba sa review ni Goldwin kay Janine?
Chika pa ni Direk Joel, marami na siyang napagalitang artista sa pagiging late kesehodang big star na ito o nagsisimula pa lang.
“Mula kay Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, lahat sila. Kapag nale-late sinasabihan ko pati lalaki,” sey ng direktor.
Nang tanungin naman kung ano ang iba pa niyang ayaw sa mga artista, walang kaabog-abog itong sumagot ng “tanga”.
“Paulit-ulit na lang ‘yong dialogue, hindi naman name-memorize. Hindi alam ang gagawin. Sinabi mo na nang sinabi, paulit-ulit nagkakamali,” sabi pa ni Direk Joel.
Mayroon pa nga raw siyang isang pagkakataon na sinabihan niyang mag-waiter na lang ang talent at nangyari naman ito.
“May nangyari sa akin. Totoong nag-waiter… Naglalakad ako sa Makati. ‘Direk, direk!’ May tumatawag sa akin. Paglingon ko, gwapo pa rin. ‘Direk, ako ‘yong pinagalitan mo. Ako ‘yong sinabihan mong waiter. Head waiter na ako sa Dubai,” sey ni Direk Joel.
Ibinahagi rin niya na nagsimula siya sa pagteteatro bago siya napunta sa paggawq ng mga pelikula.