Hindi nagkabalikan sina Mark Herras and Ynna Asistio.
Excited si Mark these days dahil bukod sa magtatambal nga ulit sila ni Jennylyn Mercado sa upcoming TeleBabad Rodora X together with Yasmien Kurdi and Mark Anthony Fernandez, good ticket sales ang nangyari sa benefit show nilang in-organized last Wednesday sa Zirkoh starring all the Sayaw Pilipinas crew of dancers sa Sunday All Stars ng GMA.
All tickets sold last Wednesday were given to the GMA Kapuso Foundation for the Yolanda victims sa Tacloban and happy si Mark na ibinigay din ni Allan K for free ang Zirkoh para wala na silang bayaran sa venue.
Single muli si Mark after a five-year relationship with Ynna. Si Ynna ang una naming nakausap during the 16th birthday party of Bea Binene and the girl confirmed na mutual ang breakup reason nila with no third party involved. Nilinaw din ni Ynna ang balitang stalker siya ni Derek Ramsay dahil the fact is that siya ang pinahanap ni Derek when the actor learned hiwalay na nga sila ni Mark.
Mark reconfirmed this bit of news during the pocket interview for Rodora X na si Derek nga ang naghanap kay Ynna and not the other way around.
Having said that, hindi sila nagkabalikan ni Ynna kahit easiest breakup ito sa lahat ng relasyon nila. After a month daw kasi, naging magkaibigan ulit ang dalawa and the communication opened up once again. Kung nakita silang magkasama at nagkaroon ng litrato na magkasama sila at holding hands, that is because friends nga sila and this happened during the 18th birthday party of Ynna’s sister Annykah at hindi ito pagbabadya na nagkabalikan na sila. Say nga ni Mark, wala naman daw siyang record na bumabalik ulit sa naging ex niya.