Pakakasalan ba? | Bandera

Pakakasalan ba?

Joseph Greenfield - November 21, 2013 - 01:57 PM

Sulat mula kay Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Sa Pasko ay apat na taon na kaming nagsasama ng lalaking minahal ko nang higit pa sa buhay ko.   Tatlo na ang anak na kami at madalas ko na siyang tanungin ngayon kung kailan ba ang kasal namin.  Ang sagot niya: wala pa siyang plano.  Ayaw kong lumaki ang mga bata, o madagdagan pa ang mga ito nang di kami kasal.  Pakakasalan ba niya ako?  Matagal ko nang pangaral na lumakad na suot ang trahje de boda sa simbahan.  December 3, 1985 ang birthday ko at August 1, 1981 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
  ‘Wag kang mangamba sapagkat kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, walang duda sa malapit na hinaharap matutupad ang malaon mo ng pangarap na makasal sa kasalukuyan mong ka-live in.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing eternal at walang hanggang ang inyong pagsasama ng iyong ka-live-in. Dahil walang hanggang na nga kayong magsasama, ang Nine of Hearts ang nagsasabing sa susunod na taon, 2014, may kasalang magaganap upang maging legal at maging pormal na sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, ang inyong pagsasama bilang isang masayang pamilya. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending